9

OCTOBER 2026

Detox the Heart

by | 202610, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Peter Adelberth Ocampo

Welcome sa ating bagong series na “Life Detox.” Alam kong marami sa atin ang gustong mag-detox para sa mas malusog na katawan, pero paano naman ang ating kalooban? Ngayong araw, sisimulan natin ang serye sa pinakamahalagang bahagi ng ating pagkatao: ang ating puso.

O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Awit 139:23–24

Kung magde-detox ka, saan ka magsisimula? Bituka? Baga? Atay? Kadalasan, sa physical tayo nakatutok. Pero si Lord, iba ang priority. Ang inuuna Niya ay ang puso. Ito ang sentro ng ating pagkatao, ng ating mga desisyon, emosyon, at pagnanasa.

Nang isulat ni King David ang Awit 139, hiningi niya sa Diyos na siyasatin siya. Parang sinasabi niya, “Lord, check every corner of my heart.” Iba ‘to sa normal na panalangin na humihingi lang ng blessing. Hinahayaan mong silipin at galawin ni Lord ang mga bagay na ayaw mong ipagalaw, ang mga nakatago at madilim na sulok ng iyong puso.

Bakit puso ang inuuna? Dahil kahit externally OK ka, kahit religious ka — kung ang puso mo ay punong-puno ng pride, bitterness, inggit, lust, o unforgiveness — walang silbi ang anumang panlabas na paggawa. Ang mga taong ganito ay busog na busog — masayang-masaya sa paggawa ng kasalanan. Gusto ng Diyos  na mabusog lamang at masiyahan ang ating puso  sa Kanya — na ang ating puso ay maging malinis, malaya, at nakatuon sa Kanya. 

Kaya ngayong araw, ito ang hamon sa atin: Huwag tayong magpatangay sa distraction. Pakinggan natin ang conviction sa atin. Hayaan nating ang Holy Spirit ang maglabas ng mga bagay na matagal na nating itinatago. Kaya kung meron kang pride, i-confess mo. Kung may offense ka sa puso, isuko mo. Kung may kasalanan ka, aminin mo at iwan  mo na. Huwag kang magpanggap sa harap ng Diyos. Kailangan mo nang maging totoo. Hayaan mong ito ang detox na magpapalaya sa iyong puso.

Sana’y naging malinaw sa atin ngayon ang kahalagahan ng paglilinis ng puso. Ito ang simula ng tunay na detox. Patuloy tayong mag-reflect at maghanap ng katotohanan. Abangan ang susunod nating topic sa ating series na “Life Detox”!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, hindi ko kayang linisin ang sarili ko, pero kaya Ninyo. Alam Ninyo ang laman ng puso ko. Siyasatin Ninyo ako. Ipakita Ninyo kung saan ako nagpupunta nang hindi nararapat, kung ano ang ginagawa kong pagpapanggap, at kung anong mga bagay ang kailangan kong alisin sa buhay ko. Gusto ko po talagang magbalik-loob. Punuin Ninyo ang puso ko ng mga bagay na ninanais Ninyo. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Maglaan  ng oras para manalangin at magmuni-muni. Hayaan mong ipakita ng Diyos ang mga bahagi ng iyong puso na kailangan ng paglilinis ng dugo ni Jesus. Ipagtapat ang anumang nakitang kasalanan o hadlang. Magtiwala na nililinis ka ni Jesus.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 5 =