6

OCTOBER 2025

Discovering the Fruit of Goodness

by | 202510, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Peter Adelberth Ocampo

Welcome back to our series “Fruit of the Spirit.” Ano kayang isa pang bunga ang nararanasan sa buhay ng isang taong nagtitiwala sa Diyos? Let’s find out.

Subalit ang bunga ng Espiritu ay … kabutihan.

Mga Taga-Galacia 5:22

Ang kabutihan ay hindi lamang tungkol sa paggawa ng tama o pagiging mabait sa harap ng iba. Ito ay mas malalim pa. Ang kabutihan ay nagmumula sa puso na puno ng pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa. Kapag tayo’y tumutulong sa iba, nagpapakita tayo ng kabutihan o kagandahang-loob. Kapag pinapatawad natin ang nagkasala sa atin, nagpapakita tayo ng kagandahang-loob.

Isipin mo ito: Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi basta pagiging polite o pagsunod sa mga patakaran lamang. Ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng ating mga kilos at salita. Kapag tayo’y nagtatanim ng kabutihan, ito’y magbubunga ng kagalakan at pag-asa sa mga taong nakapaligid sa atin.

Paano tayo magpapakita ng kagandahang-loob sa ating kapwa?

Isang magandang halimbawa si Myra, isang business owner ng isang mall sa Bukidnon. Sa kabila ng kanyang pagiging abala, palagi pa rin siyang nakakatulong at nagiging blessing sa iba. Kapag may nangangailangan ng tulong, naglalaan siya ng oras at lakas upang makinig at magbigay ng suporta sa kanyang mga empleyado, kaibigan, at kapwa negosyante. Tinuruan pa nga niya ang kanyang mga empleyado na imbes na sabihing “God bless you,” ay sabihing “YOU ARE BLESSED” upang ipahayag at kilalanin na natanggap na natin ang mga biyaya ng Diyos. Sa ganitong paraan, naipapakita ni Myra ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob.

These simple acts of goodness can brighten someone’s day and create a positive impact in their life. Sa bawat araw, may pagkakataon tayong magbago ng mundo sa pamamagitan ng ating pagpapakita ng kagandahang-loob hindi upang magmukhang mabait kundi upang papurihan ang Diyos sa ating buhay. May we continue to manifest this fruit of the Spirit in our lives.

God is good, and so through His Holy Spirit, He causes us to display His goodness. May you continue to bear this fruit in your life. Join us again tomorrow for the continuation of our series “Fruit of the Spirit.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, turuan po Ninyo akong maging instrumento ng Inyong kabutihan sa mundong ito. Bigyan po Ninyo ako ng puso na puno ng pagmamahal at pag-unawa sa iba. Tulungan po Ninyo akong magawa ang mga bagay na makapagpapaligaya at makapagpapatibay sa mga taong aking makakasama. Salamat po sa biyayang ito. Amen.

APPLICATION

Today, let’s show simple acts of kindness to others. It could be a smile, a kind word, or a small help. Let’s pray that our small acts of goodness will bring great hope and joy to the people we encounter.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 6 =