11
APRIL 2026
Drama Series ba ang Buhay Mo?
Ako’y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito’y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.
Awit 139:16
If you’re hooked on drama series, most likely you’re emotionally involved with the characters. Sinusubaybayan mo kung anong mangyayari sa kanila, what plot twists and revelations will unfold, and you keep guessing kung ano ang magiging ending. We watch drama series daily, but months earlier, napag-isipan na ng scriptwriters ang beginning, conflict, build-up, turning point, at ending ng story. Madaming brainstorming at nitpicking ang nangyayari habang ginagawa ng mga scriptwriter ang kuwento para makabuo ng gripping plot, relatable characters, and satisfying ending.
Hindi ba ang buhay natin ay parang drama series rin? May conflict, wrong turns, happy days, and bad days. But if we are in Christ, eventually, we will have a happy ending in the afterlife as He promised. Bago pa man tayo isilang, plinano na ng Diyos ang mabuting buhay para sa atin (Psalm 139:16; Jeremiah 29:11; Ephesians 2:10). But He didn’t create us to be like robots without free will. God, the Great Scriptwriter, would like us to agree with His good plan and follow His direction because it will be for our best. If we love and trust Him, we will obey His perfect will.
Ang plinano ng Diyos na buhay para sa atin ay maganda — hindi buhay na puno ng malas. In fact, according to Galatians 3:13, Jesus redeemed us from the curse kapalit ng pagkamatay Niya sa krus. He set us free from the power of sin na dahilan ng katakut-takot nating problema sa buhay. For all our mistakes and failures, may katapat na mercy and grace ang Diyos. Tinutulungan Niya tayong ayusin ang mga conflict sa buhay at inihahanda Niya tayo sa anumang turning point. When we put our trust in Jesus, we will realize na maganda talaga ang plano Niya para sa atin.
Kumusta ang plot ng buhay mo? Agree ka ba sa ginagawang storyline ng Great Scriptwriter?
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan Ninyo akong magtiwala sa Inyo kahit na may mga problema ako. Magtitiwala ako na mabuti ang plano Ninyo para sa akin.
APPLICATION
Look back at a time when life wasn’t great and how the Lord came through for you. Thank Him and continue to trust Him.
SHARE THIS QUOTE
