25

MARCH 2025

Eat Responsibly

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Mona Valconcha-Ocampo

Part of being healthy is eating the right kinds of food. Tara, pakinggan natin ang devotion natin ngayon on this topic para sa series nating “Healthy and Well.”

May magsasabi, “Malaya akong makagagawa ng kahit ano,” ngunit ang sagot ko naman ay “Hindi lahat ng bagay ay nakakabuti.” Maaari ko ring sabihin, “Maaari akong gumawa ng kahit ano,” ngunit hindi ako magpapaalipin sa anumang bagay. Sasabihin naman ng iba, “Ang mga pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay sa mga pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito.

1 Mga Taga-Corinto 6:12–13

Napanood mo na ba ang documentary na Live to 100: Secrets of the Blue Zones? Na-feature rito ang limang communities mula sa iba’t ibang bansa kung saan ang mga tao ay mahahaba ang buhay at malalakas pa ang pangangatawan kahit na sila ay 90 to 100 years old na.

In summary, all these five communities have a common lifestyle in five categories. At isa sa common sa kanila ay ang pagkakaroon ng healthy diet. Pare-pareho silang araw-araw na kumakain ng gulay, prutas, at mga organic food. Karamihan sa mga ito ay sila mismo ang nagtatanim at nagpi-prepare. Hindi parte ng kanilang araw-araw na buhay ang pagkain ng instant at processed foods.

Sabi ng Philippine Statistics Authority, ang “lifestyle diseases” gaya ng heart disease, diabetes, at cancer ay ang mga nangunguna pa ring sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino. These illnesses can be avoided if we are mindful and responsible enough with the way we eat and live our daily lives.

Ang sulat ni Apostol Pablo sa Corinthians ay pagpapaalala na ang katawang lupa natin ay templo ng Diyos. At para mapanatiling maayos ang templong ito, responsibilidad nating ingatan at alagaan ito, at kasama na riyan ang pagkain nang tama.

So are you considering eating better to take care of God’s temple? Sana ang maging motivation mo sa pagsunod sa healthy diet ay para mapaglingkuran mo pa nang maraming taon ang Diyos nang may malusog at malakas na pangangatawan.

Tandaan na lahat ng sobra ay hindi makakabuti. Eat responsibly to honor God with your body!

We hope you’ll have a hearty and healthy dinner today. At huwag kalimutan, let us also feed our soul and spirit with the Word of God, kaya see you tomorrow for the continuation of our series “Healthy and Well.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, kinikilala ko na ang katawan na ito ay pahiram Mo sa akin para mapapurihan Kita sa mundong ito. Tulungan Mo akong huwag abusuhin ito. Maging higit na kagamit-gamit sana ang buhay ko sa pamamagitan ng katawang ito. Amen.

APPLICATION

Mag-research ng healthy meal plan na susundin mo at ng iyong pamilya araw-araw sa loob ng isang buwan. Sikaping mag-commit sa healthy meal plan sa loob ng tatlong buwan hanggang sa maging habit na ang ganitong klaseng pagkain sa inyong tahanan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 12 =