20
JUNE 2025
Frequent Callers
“Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman.”
Jeremias 33:3
Kapag ikaw ay na-promote sa iyong trabaho bilang isang manager or director, mare-realize mo na dadami ang iyong frequent callers. Kasama kasi sa additional responsibilities ng iyong promotion ang pagkakaroon ng mas maraming staff. At the same time, you are also now directly working with other departments or maybe branches across the nation.
Dumadami tuloy ang tumatawag sa iyo for support, advice, direction, at decisions. Pati suppliers ay sa iyo na rin tumatawag. Bilang isang manager, you are responsible for many things. Nakaka-pressure, ’di ba?
Buti na lang we have a Heavenly Manager who we can call and talk to 24/7, si Jesus! He is accessible — available anywhere and at any time. Walang busy signal. Nandiyan Siya sa mga panahon na nalilito ka sa gagawin mo or nahaharap ka sa isang matinding deadline. He will be there in times of great pressure and anxiety na hindi nawawala sa trabaho. This fact is very reassuring and comforting.
Bilang isang manager, limitado ang iyong oras, lakas, at energy, pero si Jesus ay nakaabang palagi at naghihintay ng ating tawag. Hindi Siya tutulog-tulog. Tayo nga isa-silent mode natin ang mga mobile devices natin para walang maka-istorbo sa atin, but with Jesus He is always willing to give us time and listen. Thank You, Jesus!
LET’S PRAY
Lord Jesus, salamat at lagi Kang available para pakinggan ang aking pagtawag sa Iyo. Hindi ako magda-doubt na hindi Ka available. Salamat dahil Ikaw ay tunay na tapat at maasahan. Amen.
APPLICATION
Tuwing umaga, set aside time to call on, pray, and talk to Jesus. Pasalamatan mo Siya sa assurance na He will always be there in times of trouble. Itaas mo sa Kanya ang mga concerns mo in prayer. Then believe that He will answer.
SHARE THIS QUOTE
