20

SEPTEMBER 2026

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Paula Mae Villanueva-Clapano

Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.

Mga Taga-Colosas 3:21

Right after Lina shouted at her daughter, nagpa-rescue ito sa kanyang tita while saying, “Ayaw na sa akin ni Mama.” When Lina heard it, she was so crushed and was overwhelmed with guilt for her harshness.

Sa panahon ngayon, uso na ang term na gentle parenting. Pero ano nga ba ito ayon sa Bible? Simple lang: ito ay parenting na puno ng pag-ibig, pasensya, at respeto sa mga anak. Hindi ibig sabihin nito ay wala nang disiplina, kundi mas malalim — a discipline rooted in God’s love.

Sabi sa Galatians 5:22–23, gentleness is a fruit of the Spirit. Kung ang parents ay guided ng Holy Spirit, natural na lalabas sa kanila ang pagiging gentle sa kanilang approach sa mga anak. Hindi na puno ng galit, kundi merong pasensya, kindness, at self-control.

Ayon kay Apostle Paul, “Do not provoke your children to anger” (Ephesians 6:4, ESV). Minsan kasi, kahit tama ang gustong ituro ng mga magulang, mali naman ang paraan. Nagiging masyadong harsh, kaya nasasaktan at nadidiscourage ang mga bata. Kaya paalala ni Paul, palakihin natin sila sa disiplina at turo ng Panginoon. Ibig sabihin nito, ituwid sila sa paraang nagpo-point sa Diyos, hindi sa ating galit.

Ang gentle parenting ay hindi rin permissive parenting. Hindi ibig sabihin nito ay “Bahala na sila.” Proverbs 13:24 reminds us that discipline is love. Pero tandaan:True discipline teaches and restores, not just punishes.

Si Jesus mismo ang modelo natin: “…learn from Me, for I am gentle and humble in heart…” (Matthew 11:29, NASB). Ang Kanyang leadership ay puno ng pagmamahal at kababaang-loob. Sa mga parents, tinatawag kayong magturo at magdisiplina tulad Niya — firm but loving, clear but kind.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, turuan Mo po akong maging gentle parent — hindi tolerant sa mali, pero puno ng pag-ibig at pasensya sa pagtutuwid. Nawa’y makita ng ibang tao ang Iyong character sa akin.

APPLICATION

Kamusta ang parenting style mo? Nakikita ba ng anak mo ang gentleness ng Holy Spirit sa iyo? Nadi-discipline ba sila with love and patience, or napo-provoke sila to anger? If you are not a parent, how do you relate with those under you? Are you showing gentleness to them?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 8 =