4

JUNE 2023

Genuinely In Love

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Alma S. de Guzman

Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.

1 Juan 4:10

In a wedding at Leyte, there’s a couple who prepared a beautiful ceremony by the beach. Their wedding was not as extravagant as the other beach weddings, yet it was refreshingly overflowing with genuine love. When the ceremony started, the groom and bride shared their testimonies of God’s loving kindness.

The groom courageously shared his past. Inamin niya ang mga kasalanan at maling bagay na nagawa niya sa past relationship niya. He knew that it did not glorify the Lord. The bride, on the other hand, admitted the pride she kept silently in her heart. She recognized that it was also a sin. They ended their respective speeches with the message that they are now made whole because of the love and forgiveness of the Lord.

To come out clean on public is not easy. Mahirap umamin ng kasalanan lalo na kung ma-pride at mataas ang tingin natin sa ating mga sarili. Pero pinatunayan ng couple ang commitment na gusto nilang panindigan sa harapan ng Panginoon. Inumpisahan nila ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa pagharap sa katotohanang ang tunay na pag-ibig ay ang Panginoon. Naging mag-asawa sila dahil may Panginoon na sa kanila’y unang umibig. It is the Lord Jesus who loves them, kaya naging posible ang kasal ng dalawang taong dating makasalanan ngunit dahil kay Cristo ay pinatawad na ng Panginoon.

Anuman ang estado ng iyong puso ngayon, magkaroon ka nawa ng malinaw na pagkaunawa na may Panginoon na sa iyo’y masugid na nagmamahal. Jesus loves you. Katulad ng couple sa kuwento, bago nila nakilala ang isa’t isa, una nilang naranasan ang mapagpalayang pagmamahal ng Panginoon. Kaya kahit sukuan mo ang pag-ibig, kalianman hindi ka susukuan ng pag-ibig ng Panginoon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for Your genuine love. I am not worthy, but You have redeemed and restored me. Thank You for making me whole through Your Son Jesus. Amen.

APPLICATION

Meditate on the book of 1 John chapter 3. For prayer and counseling, visit the 700 Club Asia page or call 8-737-0-700.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 3 =