4

MARCH 2024

Goodbye, Wrinkles!

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

Welcome to our series “Ang Tatlong Pagbabago sa Buhay ng Isang Cristiano.” For the past two days, we’ve seen how God changes a person’s spirit and soul. Will God also change our bodies? Let’s find out.

Babaguhin tayong lahat. Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay.

1 Mga Taga-Corinto 15:52b–53

May wrinkles at white hair ka na ba? Normal lang iyan sa nagkaka-edad. But do you know what else to expect as you get older? Habang tumatanda tayo, tumitigas ang blood vessels at arteries natin, making us prone to heart diseases. Nagshi-shrink ang bones natin kaya mag-ingat para iwas sa fracture. We also lose muscle mass, madalas tayong constipated, laging naiihi, mas prone sa infection at decay ang ngipin natin, at marami pang iba. Ano ba ‘yan! Napapasigaw ka na rin ba ng, “Ayoko nang tumanda!”?

Well, aging is part of life. Pero kahit hindi ka pa matanda, may mga bata rin namang nagkakasakit. That’s why we should all take care of our bodies. However, the Bible gives us a comforting truth: Jesus Christ has been raised from the dead (1 Corinthians 15:20), and we who believe in Him will also be raised from the dead and be given a glorious body. When Jesus Christ comes back, instantly, babaguhin Niya ang katawan nating nanghihina at nabubulok (1 Corinthians 15:52–53). By His power, He will transform our bodies to be like His (Philippians 3:21). Mind-boggling, di ba? Mare-realize na lang natin kung ano talaga ang ibig sabihin nito kapag dumating na ang time na ‘yun. In the meantime, let’s imagine na posibleng kapag binago na ni Jesus ang katawan natin, mawawala na ang lahat ng wrinkles natin, hindi na tayo magkukulay ng uban, magpapa-facial to hide our wrinkles, and take medicines and supplements to heal our diseases and to improve the quality of our life.

If we are in Christ, we are assured that God will change our naturally weak bodies into a glorious, spiritual body. Until then, let’s take care of the bodies na bigay Niya sa atin.

Thank you for joining us in our series “Ang Tatlong Pagbabago sa Buhay ng Isang Cristiano.” So remember, if you are in Christ, God changed your spirit instantly, changes your soul progressively, and will change your body in the blink of an eye. Praise God!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Jesus, that one day You are coming back for me. And when You take me, You will give me a new, glorious body like Yours to be with You forever.

APPLICATION

If you haven’t been taking care of your body, make a list of the things you should be doing, and start doing each one. Prioritize consulting a doctor kung may nararamdaman kang sakit. Believe God for healing and good health.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 12 =