25

JUNE 2026

Hanggang Pangarap na Lang Ba Lagi, Lord?

by | 202606, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

Awit 119:105

May pangarap ka ba na sa sobrang intense ng desire mo rito, pakiramdam mo, it’s just a matter of time until it becomes a reality? It may be a dream job, your dream house, or the dream to get married and have a family. Lahat ginagawa mo para abutin ang pangarap na ito. Sinisigurado mong handa ka mentally, emotionally, and spiritually para sa fulfillment nito.

But months, then years, pass. The years may even turn into decades, pero wala pa ring nangyayari. Napapatanong ka na: Lord, bakit Ninyo itinanim ang pangarap na ito sa puso ko kung hindi naman pala ito magkakatotoo? Nakaka-frustrate at nakakapagod na po.

But can I ask you this:during the time that you have been chasing that dream, did you ever ask the Lord, “Bahagi po ba ito ng plano Ninyo para sa akin?

Hindi lahat ng pangarap, kasama sa end game ni Lord para sa atin. Ang iba, stepping stone lang pala o paraan para ihanda tayo sa mga bagay na tunay na nilaan ng Panginoon para sa atin.

Kung napapansin mo na nakatuon na lang ang mga mata mo sa unfulfilled dream mo, stop, look, and listen. You may be chasing the wrong thing. Real talk: madaling maligaw kapag ang mga gusto natin ang hinahabol natin. 

Go to the Lord. Spend time reading His Word. Familiarize yourself with His voice so that you’ll know right away kung Siya na ang gumagabay sa iyo. Kapag ginawa mo ito, hindi ka maliligaw.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, ituro po Ninyo kung ano ang gusto Ninyo para sa akin. Help me to learn to want what You want for me dahil alam kong ang kapalit nito, peace and joy na hindi ko makukuha kung sarili ko lang ang sinusunod ko.

APPLICATION

Set aside 30 minutes to talk to the Lord about that dream na matagal mo nang pinagdarasal. Ask Him to speak clearly to your heart kung dapat mong ituloy ang pagpupursigi para makuha ang pangarap mo, o kung dapat bang humingi ng bagong pangarap na galing sa Kanya.  

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 11 =