17

JUNE 2025

Hindi Mawawala na Parang Bula

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Marlene Legaspi-Munar

Ang Diyos ay hindi lamang loving, generous, caring, and wise. Samahan ninyo kami sa pagpapatuloy ng ating series na “The Characteristics of God” at alamin natin ngayon ang isa pang natatanging katangian ng ating Diyos na buhay.

“Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko’y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.” Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.

Isaias 54:10

Tuwing tinatanong si Tess ng mga kakilala kung nasaan ang kanyang mister, hindi na siya nagkakaila. “Sumakabilang-bahay,” ang madalas na sinasagot niya. Isang araw kasi, naglaho na lang nang parang bula ang kanyang asawa. Later on, nabalitaan niya na may iba na itong kinakasama.

Hindi lang si Tess ang nakaranas na iwan ng asawa; kahit ang mga taong nasa “in a relationship” ang status ngayon, next month, baka makita mong wala na ang kanilang display picture ng ka-relationship niya at unfollowed na nila ang isa’t isa sa social media. Nakakalungkot na may mga pag-iibigang kumukupas at nawawala.

Iba ang pag-ibig ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa mga taga-Jerusalem sa pamamagitan ng propetang si Isaiah, “Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko’y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.” Kahit na nabihag ang mga taga-Jerusalem at dumanas ng matinding kahihiyan at paghihirap, hindi sila pinabayaan ng Diyos. Sa halip ay pinangakuan pa Niya na palalayain din sila at ire-restore. Pagkaraan nga ng maraming taon matapos silang mabihag ng Babilonia, napalaya ang mga Judio sa pamamagitan ni Cyrus the Great of Persia.

Kung may problema man tayo at nahihirapan, hindi ibig sabihin ay iniwan na tayo ng Diyos. When we feel like our lives are falling apart, God is the one keeping us together. And when we put our trust in Him, we can have peace even in the midst of troubles. Mahal tayo ng Diyos; hindi Siya mawawala sa buhay natin. At ang pag-ibig Niya ay hindi maglalaho. Pangako Niya ‘yan.

Huwag N’yo rin kamngi iwan. Magkita tayo muli bukas para sa last part ng ating series, “The Characteristics of God.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sabi Ninyo, mahal Ninyo ako. Nagtitiwala ako na kahit sa gitna ng mga problema at kaguluhan, niyayakap Ninyo ako at hindi Ninyo ako iniiwan. Salamat na nariyan Kayo palagi sa buhay ko. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Visit a mountain or read about mountains. Remember that maguho man ang mga bundok na iyan, hindi maguguho ang pag-ibig ng Diyos sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 3 =