14

AUGUST 2025

Hindi Niya Deserve Matulungan

by | 202508, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Alma S. de Guzman

“Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba’t ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi ba’t ginagawa rin iyan ng mga Hentil? Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”

Mateo 5:46–48

Out of frustration nasabi ng isang lola, “Hindi niya deserve matulungan! Pinatuloy na nga siya dito tapos ganyan pa ang ugali.”

Isa sa challenging pagbigyan ay ang mga taong tinulungan mo na nga pero sa huli ikaw pa ang niloko at hindi nirespeto. Sino ba naman ang gugustuhing mabastos ng taong pinagmalasakitan mo? Valid mainis pero kahit nakakagalit ang ginawa sa atin, ni minsan hindi tayo tinuruan ni Jesus na mag-isip ng masama at gumanti sa ating kapwa.

Sometimes we think na hindi deserve ng tao ang kabutihang ibinigay natin, pero deserve man nila o hindi, Jesus commanded us to do good to everyone. Pero hindi naman ibig sabihin nito na gusto ni Lord na magpa-abuso tayo sa iba. What He commanded us is to love — to keep our heart full of love and not of feelings of resentment and revenge. Kapag inalagaan natin ang sama ng loob lalasunin nito ang puso natin nang paunti-unti. At maniwala man tayo o hindi, may impact iyon sa ating physical, mental, emotional, and spiritual life.

Sa mundong ito walang sinuman ang deserving sa klase ng pagmamahal na ibinibigay ni Lord, pero dahil Siya ay Diyos ng pag-ibig, anumang kasalanan ang nagawa at magagawa natin ay handa Niyang patawarin. Hinihintay Niya lang tayong lumapit at humingi ng forgiveness mula sa Kanya.

Let’s ask God to renew our minds and recalibrate our hearts. Let’s stop rehashing the past. Start a new habit. When you are angry and frustrated, guard your heart and mouth, and most especially, huwag ka nang mag-post sa social media para maghanap ng mga kakampi. Choose to be better. Choose the way of Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, patawarin N’yo ako dahil na-stuck ang puso ko sa asar at galit. Hindi ko na namalayan na kinain na pala ako ng aking galit. Help my heart to recover, and today, I choose to also forgive. Thank You for Your forgiveness. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Pray for your enemies and the difficult people in your life.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 13 =