14

MAY 2025

Hingin Natin ‘Yan Kay Lord

by | 202505, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Alma S. de Guzman

“Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus. Sumagot ang bulag, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.”

Marcos 10:51

Kapag nagpe-pray ka, do you dare to ask God for specific requests or nag-aalangan kang mag-request kay Lord? Naiisip mo rin ba kung ibibigay ba talaga ni Lord ang eksaktong sagot sa prayers mo?

Ganyan ang naramdaman ni Ciara nang minsang i-encourage siya ni Amy to ask God for specific things. She believes in the Lord but at the same time, she is also doubtful and fearful to ask God for specific requests.

“Bakit pa ko manghihingi ng specific kung hindi naman ‘yun ang ibibigay ni Lord?” “Alam na ni Lord kung ano ang best para sa akin. Humingi naman ako dati pero hindi ibinigay.”

In Mark 10:46–52 may isang bulag na muling nakakita dahil humingi siya kay Jesus ng kagalingan. Ang interesting part sa kuwento ni Bartimaeus, nang marinig niyang dumadaan si Jesus, naglakas-loob siyang sumigaw, “Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Walang nakapigil sa kanya. Siya’y pinalapit at tinanong ni Jesus, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” Sumagot agad siya, “Guro gusto ko pong makakitang muli.” At sinabi ni Jesus, “Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.” Nakakita siyang muli at sumunod kay Jesus.

Katulad ni Bartimaeus, maaari tayong humingi kay Lord ng specific requests. At siyempre dapat handa rin tayo to have faith like him. He was sure and secure of who Jesus is, at iyan ang una nating dapat maalala. Knowing the Lord who sincerely loves us is the starting point of asking specific requests. Hingin natin kay Lord ang dini-desire natin, ngunit maging bukas rin tayong tanggapin ang kasagutang naaayon sa Kanyang kalooban.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I’m waiting for answers to my prayers. But today my heart seeks You more than the answered prayers. I desire to know You more and to have a strong faith in You. I trust You, Lord Jesus.

APPLICATION

Look back on the best things that the Lord has given you after He said no to a specific prayer you once asked of Him. What does this teach you?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 14 =