20

FEBRUARY 2025

Hit the Reset Button

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Edwin D. Arceo

Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon.”

Isaias 43:18

Kapag nagkakaroon ng hindi maipaliwanag na problema ang computer or gadget natin, ang isa sa troubleshooting methods na irerekomenda sa atin ng technician is to reset the device. Madalas na nare-resolve nito ang majority ng mga problema ng devices natin.

When we do a factory reset of our computer or gadget, ang nagiging resulta nito ay nawawala ang data na naka-store sa memory nito. Back to zero, ika nga. Ang tawag dito ay “hard reset.” It wipes the device’s memory, giving it a “clean slate” para makapag-umpisa muli ng mga bagong proseso.

Ganito rin ang sinasabi sa atin ni God sa Isaiah 43:18, “Forget the former things; do not dwell on the past.” May mga panahon at circumstances sa ating buhay na hindi na natin kailangang balikan pa, lalo na kung tayo ay na kay Jesus na. When we received Him as Savior and Lord, He made us a new creation (2 Corinthians 5:17). We have been reset and brought back to square one.

Kaya’t huwag na nating balikan or subukan na buhayin muli ang dati nating buhay. God is giving us a new season in life. The enemy might remind us of our past to stop our spiritual growth but we shouldn’t believe him. Remember that the moment we became Christians, we hit the reset button. Burado na ang dating ikaw at ako. We are totally new!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Mahal na Amang nasa langit, salamat sa opportunity to start anew. I am grateful na makakapag-umpisa ako ng panibagong buhay dahil sa sacrifice ng anak Ninyong si Jesus. Tulungan po Ninyo ako na hindi na alalahanin pa ang aking nakaraan. Amen.

APPLICATION

Ilista mo sa papel ang mga bagay na kailangan mong talikuran or kalimutan. Sunugin mo ito sa isang safe na lugar bilang simbolo na ikaw ay isa nang bagong creation ni God.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 12 =