22

JANUARY 2024

Hopes and Dreams

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Erick Totanes & Written by Edwin D. Arceo

Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

Mga Kawikaan 16:3

What were your hopes and dreams when you were growing up? Naalala ko na pangarap ko ang maging astronaut nung mga panahon na yun (70s baby). Ito yung peak ng space exploration ng US at Russia. May mga kaibigan ako na nangarap na maging sundalo at pulis, maging doctor, arkitekto, at engineer.

Pero minsan, hindi ito ang will ni God para sa buhay natin. Yung nangarap na maging doctor ended up being in sales. Yung maging engineer ang pangarap ay naging mekaniko. Ito ang dapat nating tandaan: Life is a series of choices. Maaaring nagkamali ka ng desisyon sa buhay kaya hindi mo narating ang pangarap mo.

Gaya ni Erik. Nangarap siya na makapag-abroad at magkaroon ng magandang buhay sa Amerika. Tinulungan siya ng kanyang ina para ma-process ang lahat ng kailangan niya. Hindi mabilis ang proseso na ito at sa kalagitnaan ng preparasyon, natukso siya na gumamit ng drugs. Nang dumating ang time para sa drug testing para sa visa application niya, na-detect ang bawal na gamot sa sistema nya. To make a long story short, na-deny ang visa application niya papuntang Amerika. 

If you experienced something similar, huwag kang ma-discourage at mawalan ng pag-asa. Own up to your mistake, repent, resolve in your heart to not make the same error, and finally, entrust everything to God. Keep hoping and dreaming. Cliché man pakinggan pero God REALLY does have a perfect plan for you.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, napakabuti Mo. Salamat na puwede pa akong mangarap at may pagkakataon pa para matupad ito. Sa Iyo ko ikinu-commit ang mga panalangin at mga pangarap na ito sapagkat Ikaw ang magbibigay ng success. Amen.

APPLICATION

Huwag kang magsawa na mangarap ng para sa iyo at para sa mga mahal mo sa buhay. Better yet, gawin mo itong panalangin. Ilista mo sa iyong Prayer List ang iyong mga pangarap and ask God to bless it.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 7 =