23

JUNE 2023

Hot Air Balloon

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Alma S. de Guzman

Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.

Isaias 55:9

God once gave an opportunity to a couple to fly in a hot air balloon at Vang Vieng, Laos. It was indeed an answered prayer for them. Sa flight nila, habang papataas ang hot air balloon unti-unti ding lumiliit ang lahat ng nakikita nila sa ibaba. Sobrang amazed sila sa full view ng landscape, green fields, clouds, and sunset. Mahigit 30 minutes ang flight nila, pero bitin pa sila. Their ballooning experience gave them a fresh perspective of an incomparable view from above.

Marahil ang ilan sa atin ay may fear of heights at hindi ma-appreciate ang view from above. But experiencing a view from the top will make us reflect on God’s perspective. Kung ang tao nalulula sa heights, si God never nalula. Sa katunayan, He is never overwhelmed nor surprised sa mga ginagawa natin dito sa lupa. He has a macro and micro view sa lahat ng bagay na nangyayari. Bago pa man tayo makagawa ng kasalanan alam na Niya iyon, at noon pa man mayroon na rin Siyang solusyon para tubusin at iligtas tayo sa mga kasalanan natin. Jesus is the Lamb who was slain from the creation of the world (Revelation 13:8).

Kung panay problema, kasalanan, at kaguluhan lang ang nakikita mo ngayon, huwag kang mag-aalala. Jesus loves you. Kalooban Niyang tulungan ka at bigyan ng buhay na walang hanggan. He already died for the payment of your sins. If you believe in Him, you will experience His salvation.  Higit pa sa nakikita mo ang nakikita Niya, at higit pa sa alam mo ang kaya Niyang gawin para sa iyo. Jesus is the Savior, Redeemer, Light of the world, and many other things.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, liwanagan Ninyo ang puso’t isip ko para maunawaan ko ang pag-asang inilaan Ninyo para sa akin. Ipakita Ninyo ang kabutihan Ninyo sa buhay ko. Maraming salamat sa Inyong pagmamahal at pag-unawa.

APPLICATION

Tumingala ka sa langit, take a deep breath, at sabihin mo sa Panginoon, “Your perspective is bigger than mine, I trust You!”

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 14 =