4
JUNE 2022
Huwag Ka Nang Umiyak
Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak.”
Lucas 7:13
Mahirap ilarawan ang nararamdaman ng isang nawalan ng mahal sa buhay. Malungkot, oo. Mabigat sa kalooban. Para ka na ring namatay, o di kaya ay ayaw mo na ring mabuhay. Sino nga ba talaga ang nakakaramdam din sa pinagdadaanan ng isang taong nagdadalamhati?
Isang babaeng taga-Nain ang namatayan ng mga mahal sa buhay. Una, ang kanyang asawa, at pagkatapos, ay ang kanyang kaisa-isang anak na lalaki. Kaya nag-iisa na lang siya sa buhay. Nang masalubong nina Jesus ang balong ito at ang mga taong nakikipaglibing, nadama agad ni Jesus ang pagdadalamhati nito. Naramdaman Niya … kaya pinawi Niya. Binuhay Niya ang natitirang kasama sa buhay ng babaeng balo!
Pero exception to the rule ito. Hindi pinapabangon ng Diyos sa kabaong ang mga namamatay nating mahal sa buhay para patigilin tayo sa pag-iyak gaya ng ginawa Niya sa widow. Pero maaasahan natin ang dalawang bagay. Una, sa ating pagdadalamhati, karamay natin Siya. Kasama natin Siyang umiiyak. Jesus our Savior was described by the prophet Isaiah as “a man of sorrows, acquainted with deepest grief” (Isaiah 53:3, NLT). Nadudurog din ang puso ni Jesus kapag nakikita Niyang nalulungkot tayo. At dahil dito, maaasahan natin ang pangalawang bagay: He will comfort us. Hinahayaan ni Jesus na umiyak tayo, at pagkatapos tiyak rin na ibubulong Niya sa atin na, “Huwag ka nang umiyak” dahil papalitan Niya ng kasiyahan ang ating kalungkutan. Siya na nag-aalis ng luha sa ating mga mata ang Siya ring nagbubukas nito para makita natin ang magaganda pang dahilan para patuloy tayong mabuhay.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, salamat na kasama Ka namin kapag nalulungkot at nagdadalamhati kami. Hindi kami nag-iisa, maiwan man kami ng mga mahal namin sa buhay. Buksan Mo ang mga mata namin at bigyan Mo kami ng kaaliwan at pag-asa sa gitna ng aming pagdadalamhati.
APPLICATION
Ipanalangin ang kakilala mong nangangailangan ng kaaliwan ng Diyos. Hilingin sa Diyos na ipakita Niya sa iyo kung paano mo maipapadama ang pakikiramay sa taong ito.