28

OCTOBER 2024

I Have a Confession to Make

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Alma S. de Guzman

Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.

1 Juan 1: 8–9

Madali lang ba para sa iyo ang umaamin sa kasalanan? Ah … eh … Mahirap, ‘di ba? Ganyan ang naramdaman ni Marlon noong dumating ang araw na nangungusap na ang Panginoon sa puso niya na mag-confess ng kanyang mga kasalanan. Mahigit dalawang dekada niyang dala-dala sa puso niya ang struggle at guilt dahil sa adiksyon sa pornography.

Bagama’t nakakilala sa Panginoon sa edad na labing-apat, nagpatuloy siya sa adiksyon kasabay ng lahat ng masasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Sa kabila ng lahat, patuloy siyang inabot ng Panginoon. May kaibigan siyang nakilala, at ang taong iyon ang naging daan upang buong katapatan niyang aminin ang lahat ng malalalim na kasalanan niya. Humingi siya ng habag sa Panginoong Jesus, at siya’y nakaranas ng kapatawaran at kalayaan.

Sabi ni Marlon, “Natatakot ako talaga mag-confess noon, lalo na’t nakakahiya at baka ma-judge ako, pero noong nakapag-confess na ako, nakaramdam ako ng tunay na pag-asa kahit hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay ko.”

In a generation where we find it hard to confess and label our sins, we can still find hope that Jesus’ love will never give up on us. Naranasan ng ating Panginoong Jesus ang paulit-ulit na paghagupit sa kanyang balat, ang pagbaon sa kanyang ulo ng koronang tinik, ang pagpasan ng mabigat na krus hanggang sa Siya ay ipako rito. Siya’y kusang-loob na nagpapako sa krus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan.

It is finished. Anumang kasalanang aaminin natin ngayon sa Kanya, it has already been paid for at the cross. Ganyan tayo kamahal ng ating Panginoon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, marami akong pinagdaanang masasakit at nakagawa ako ng mga kasalanan. Salamat dahil maaasahan ko ang Inyong kapatawaran sa aking kasalanan ngayong ipinapahayag ko ito. Palayain Ninyo ang aking puso at bigyan ng bagong simula. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Earnestly pray for an accountability partner, isang tao na mapagkakatiwalaan at puwede kang tulungan upang mas lumalim ang relationship mo sa Panginoon Jesus.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 13 =