26
NOVEMBER 2026
Iba na Talaga ang Mga Kabataan Ngayon
Sa sarili naming anak ito’y hindi ililihim, ito’y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila.
Awit 78:4
Alam mo ‘yung linyang “Iba na talaga ang kabataan ngayon”? Madalas nating marinig ’yan, ’di ba? Mas outspoken sila, mas mabilis mag-react, mas matapang. Totoo naman. Pero minsan, nakakalimutan nating itanong: “Sino ba ’yung mga nasa paligid nila? Paano ba sila pinalaki?”
Ang totoo, iba na rin ang adults ngayon. Iba ang values, iba ang priorities, iba rin ang style ng parenting. Kaya kung gusto nating bumalik sa godly values ang mga kabataan, dapat magsimula ang pagbabago sa atin — mga magulang, titos, titas, ate, kuya, teachers, mentors… kahit ’yung simpleng kapitbahay na laging nakakausap nila.
May verse sa Psalm 78:4 na nagsasabi, huwag nating itago sa mga bata ang mga gawa ng Diyos. Ang ganda ’no? Kasi parang reminder na ang faith, hindi lang pang-Sunday o pang-church. Dapat nakikita nila araw-araw — sa paraan ng pagkukuwento natin, sa kung paano tayo mag-react, at sa mga pinapahalagahan natin sa buhay.
Guidance is good, pero kung walang example, kulang pa rin. Alam naman natin ang mga bata — mas natututo sila sa kung ano ’yung nakikita nila sa atin kaysa sa mga sinasabi natin.
At hindi lang ito trabaho ng mga magulang o ng church leaders. Lahat tayo na may connection sa isang bata o kabataan, may part diyan. Minsan ’yung simpleng pag-encourage natin, ’yung pagiging consistent sa faith natin, o ’yung pagpapakita ng kindness — malaki na ang impact niyan.
Hindi automatic na susunod ang next generation kay God. Kailangang may mag-lead sa kanila. At baka tayo na ’yun, kung saan man tayo nilagay ni Lord ngayon.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa pribilehiyo na maka-influence ng next generation. Tulungan Ninyo akong maging responsible adult na hindi lang nagsasalita nang tama, kundi namumuhay din nang tama. Use my life para maipakita ang Inyong kabutihan at katapatan. May the younger generation see Your light in everything I do.
APPLICATION
Paano ka nagiging model ng kabutihan ng Diyos sa mga mas bata sa iyo? Are there areas in your life na kailangan mong ayusin para maging consistent na witness sa kanila?
SHARE THIS QUOTE
