17

AUGUST 2025

Investing Your Time

by | 202508, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Mona Valconcha-Ocampo

Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

Mga Taga-Efeso 5:15-17

Kapag narinig mo ang salitang invest, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Malamang ay pera. Madalas kasing nakakabit ang salitang ito sa pera. Kapag sinabi namang invest, inaasahan mong may magandang balik ang ininvest mo. 

Pero alam natin na hindi lang sa pera applicable ang salitang invest. Isang magandang investment din ang time. How we spend our time is an investment in our future. Kung ganito ang mindset mo, hindi mo talaga aaksayahin ang bawat oras kasi gusto mo na may magandang return ito sa future.

Even Moses prayed, “Teach us to number our days, that we may gain a heart of wisdom” (Psalm 90:12, NIV), Gusto ni Moses na maging wise sa bawat araw ng kanyang buhay. Paano nga ba ito gawin? Isa sa magandang paraan para maging wise sa pag-invest ng ating time ay ang pagkakaroon ng eternal perspective.

Paul’s encouragement to the Ephesians is an example of living with eternal perspective. Ang taong matalino ay iiinvest ang kanyang oras sa mga bagay na may eternal purpose gaya ng paggawa ng mabuti, habang ang mga mangmang daw ay gagamitin ang kanilang oras sa mga bagay na walang kabuluhan, makamundo, at pansarili lamang, gaya ng paglalasing.

We are all given 168 hours in a week. Before a new day starts, plan how to spend each hour so you can approach each day with a purpose. As you plan your days, think of how you can invest your time, even the minutes and hours in between, in ways that will impact eternity, for God’s greater glory.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Lord, sa bawat oras na bigay Ninyo sa akin. Tulungan Ninyo ako na maging mas matalino pa sa paggamit ng oras na ito. Bigyan Ninyo ako lagi ng eternal perspective para ang bawat oras at araw ng aking buhay ay gamitin ko para sa mga plano Ninyo. Amen.

APPLICATION

Mag-reflect kung anong activities mo ang urgent and important at ‘yun ang i-prioritize. Ask God for wisdom to help you plan out your days. Be determined to align your plans according to His timeline.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 7 =