7
JUNE 2025
Isa Kang Masterpiece
Sapagkat tayo’y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man.
Mga Taga-Efeso 2:10
Ang isa sa mga pinaka-famous na masterpiece sa buong mundo ay ang Mona Lisa ni Leonardo Da Vinci na ginawa sa pagitan ng taong 1503 to 1506. Ang painting na ito ay maituturing na pinakatanyag at pinakamahal na painting ng ating panahon. Ayon sa Wikipedia, ito raw ay na-insure sa halagang $100 million noong 1962 na katumbas ng $1 billion in 2023.
Alam mo ba ang value mo bilang isang masterpiece ng gumawa ng langit at lupa? Napakahalaga mo sa Panginoon dahil tayo lamang ang ginawa ng Diyos ayon sa Kanyang image (Genesis 1:26), kaya isang napakalaking honor para sa atin ito. Tayo ang magnum opus or the best creation of God. Ginawa Niyang espesyal ang bawat isa sa atin. Dapat ka bang magtaka sa iyong halaga sa Kanya?
Hindi lamang ang knowledge na ito ang nagbibigay ng halaga sa iyo. Dahil sa sobrang pagmamahal at pagpapahalaga sa iyo ni God, hindi Niya hinayaan na manakaw na lamang tayo basta-basta ni Satanas noong magkasala ang ating unang ninuno na sina Adam and Eve. Ibinigay ng Diyos ang one and only Son Niya, si Jesus. Tayo ay tinubos sa pamamagitan ng dugo ng Anak ng Diyos! This makes us more valuable to God dahil ang Anak Niya mismo ang naging dahilan upang maibalik tayo sa piling Niya.
Huwag mong hayaan na ma-devalue mo or ng kahit sino ang iyong halaga bilang isang anak ng Diyos. You are God’s masterpiece, made in the image of God and purchased by the blood of Jesus. Wala nang ibang makahihigit pa sa iyo sa mata ng Diyos.
LET’S PRAY
Ama naming nasa langit, salamat na dahil sa pag-ibig Ninyo sa amin ay ibinigay Ninyo ang anak Ninyong si Jesus para tubusin kami sa aming mga kasalanan at makapiling Kayo habambuhay sa Inyong kaharian. Amen.
APPLICATION
Tell others na sila rin ay masterpiece ni God at sila ay mahal na mahal ng Diyos. Importante na malaman ng lahat ang effort ni God para maibalik tayo sa Kanyang piling.
SHARE THIS QUOTE
