25
MAY 2025
Itodo Mo Na!
May kilala ka bang tao na ayaw magpatulong? ‘Yung kahit obvious na kailangan niya ng tulong, sasabihin pa rin niya na, “Okay lang, kaya naman.” Ayaw siguro nilang makaabala kaya titiisin na lang nila. Pero may hangganan lang ang kakayanan nating magtiis at pumasan ng mabigat.
Napakaganda ng command ni Peter sa 1 Pedro 5:7. Sa verses 5–6, sinabihan tayong maging humble. Paano ba maging humble sa sitwasyong ganito? Ang pagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos ay pagiging humble. Kung nagpapasakop ka sa Diyos, ang iyong mga alalahanin, pasanin, at kabigatan sa buhay ay ipinagkakatiwala mo sa Kanya
Huwag kang mahiyang ipabuhat ang iyong kabigatan sa Panginoon because He cares for you! God can handle your worries, anxieties, and your difficult needs. Kahit ang mga bagay na hindi mo alam kung paano sosolusyunan, God can make a way!
Hindi ba’t ang sarap isiping may Tatay ka sa langit who loves you so much, na ayaw ka Niyang malugmok sa kabigatan ng buhay? Maging si Jesus ay may ganito ring imbitasyon sa Mateo 11:28: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”
Hindi ipinangako ni Lord na aalisin Niya ang problema o source ng anxiety mo. Instead, He wants you to rest in the fact that God cares for you. Your soul will find rest in who God is and what He can do.
There’s no better way to cast all your cares on the Lord than through prayer. When you pray, you can come to God as you are, as broken and wounded, as needy and as desperate.
Come to Jesus. His arms are open wide to give you a comforting hug. His shoulders are strong enough to carry your burdens for you.
Magpapabuhat ka na rin lang naman kay Lord, itodo mo na!
LET’S PRAY
Lord Jesus, Ikaw ang aking sumbungan sa kalungkutan, takbuhan sa pangangailangan, at kapahingahan. Father God, salamat po sa lawak ng pag-ibig at malasakit NInyo sa akin bilang Inyong anak. Help me to trust in You with all of my heart. Amen.
APPLICATION
Mayroon ka bang mga pangangailangan o alalahanin na wala pa ring sagot o solusyon? Huminto ka muna at idulog kay Lord ang mga ito sa panalangin.
SHARE THIS QUOTE
