29

AUGUST 2025

Just an Ordinary Day

by | 202508, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Kit Cabullo

Nang siya’y kasalo na nila sa pagkain, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos; pagkatapos, pinagpira-piraso iyon at ibinigay sa kanila. Noon nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Jesus, subalit siya’y biglang nawala sa kanilang paningin. Nasabi nila sa isa’t isa, “Kaya pala nag-uumapaw ang ating pakiramdam habang tayo’y kinakausap niya sa daan at ipinapaliwanag ang mga Kasulatan!”

Lucas 24:30–32

Boring ba ang biyahe mo? Bored ka ba sa bahay ninyo? People often dislike being in ordinary situations. Nakakabagot. Walang excitement sa mga pangkaraniwang nangyayari at ginagawa sa loob ng bahay, habang nasa biyahe, o nasa trabaho. The routines seem insignificant.

In our spiritual lives, we also tend to think that the ordinary days are less important. Dapat lang naman na pahalagahan natin ang special occasions at big events. But can God make the usual things special, too?

The Lord can meet us even in our most ordinary days while doing our most ordinary tasks. In the Bible, the Samaritan woman had her life-changing conversation with Jesus at the well. Ang pinakaunang disciples ay tinawag ni Cristo habang sila ay nag-aayos ng lambat pagkaraan ng magdamag na matumal na pangingisda. Shepherds were simply guarding their flocks of sheep at night when the angels appeared to tell them that Christ is born. At nang mabuhay muli si Cristo, bigla Siyang nagpakita at nagturo sa dalawang disciples habang sila’y nasa mahabang paglalakad. Habang sila’y kumakain, “nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Jesus.”

The Lord can do wonders even in our daily routines. Sa gawaing bahay man o sa pagtatrabaho, sa biyahe o sa hapag-kainan — we can encounter the Lord. It can be a sudden realization of His truth or a memorable moment with a loved one. Maaaring ang blessing ni Lord ay assurance of an answered prayer sa gitna ng traffic o testimony ng isang kasama sa opisina. It could be a butterfly in a garden or a kind stranger reminding us of God’s power. Jesus is present even in ordinary days.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa paalala na nariyan Kayo palagi sa kahit anong sitwasyon. Open our hearts and minds so we will see You all the days of our lives.

APPLICATION

Pahalagahan natin kahit ang mga ordinaryong gawain. Begin each day with an awareness that the Lord is always with you — when you drink your morning coffee, when you commute daily, and each time you eat.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 6 =