22

JULY 2024

Kaaway Mong Agaw-Eksena

by | 202407, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Alma S. de Guzman

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.

Juan 10:10

Naramdaman mo na ba ‘yung ang saya-saya ng araw mo kasi may blessings ka at sinagot na ni Lord ang matagal mo nang pinapag-pray? Nag-post ka pa social media to share your joy and gratitude to the Lord. And then, in a snap, you read a negative comment, at hindi mo maiwasang maapektuhan dahil parang valid ang point niya. Some people may tell you huwag mo nang pansinin iyon, just focus on your blessing. But deep inside there’s a growing seed of doubt and fear in your heart.

Kung sa mga teleserye may kontrabida, in real life, meron din. May kaaway tayo na gustong manira ng ating buhay. Sabi sa Ephesians 6:12, may kadilimang umiiral sa sanlibutan, at ito ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan. Pero bago ka pa mabalisa, be reminded that we have a victorious Lord and Savior Jesus Christ. He has overcome the world, and rest assured that we can have peace kahit may gustong mang-agaw ng eksena.

Paano ba dapat harapin kapag sinusubukan nakawin ng kaaway ang joy sa puso natin?

Una, trust God and pray. The best way to combat the enemy’s attack is to be reminded of the Lord’s victorious character. Pray and trust the Holy Spirit to guide you in all truth. Pakatandaan mo, anuman ang magandang inumpisahan ni Lord sa buhay mo ay tiyak na tatapusin Niya.

Pangalawa, be courageous. Manindigan ka at mahigpit mong panghawakan ang pangako ni Lord sa iyo. At higit sa lahat, itaboy mo ang kaaway sa pangalan ni Jesus! Huwag kang maniwala sa boses niya. Treat the enemy’s attack as an opportunity to validate God’s power over your life and His promises to you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, maraming salamat na Ikaw ay dumating upang kami ay maligtas at magkaroon ng buhay na masagana at ganap. Nagtitiwala ako Sa Iyo at hindi ako naniniwala sa kasinungalingan ng kaaway.

APPLICATION

Reclaim your joy. Open some photo albums and recount all the good things God has done in your life and family.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 3 =