9
FEBRUARY 2026
Kanya-Kanyang Kakayahan
May kasabihang “you cannot love without action.” Pagdating sa pagmamahal sa kapwa, dapat ipinapakita. Join us as we start today a new series titled “What Does It Mean to Love My Neighbor.”
Tumanggap tayo ng iba’t ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya’t gamitin natin ang mga kaloob na iyan…
Mga Taga-Roma 12:6
Have you ever been inside a preschool classroom with kids between 3 and 5 years old? I can imagine the laughter, screams, paper planes flying around, toys sprawled on the floor. ’Yan ang mga tiyak na una nating mapapansin. But let’s not ignore that kid who quietly tries to solve a puzzle in a corner. O ‘yung batang nakaabang sa glass door waiting for his mommy. And the little girl who’s figuring out which dress Barbie would like to wear today. Sa tabi ng 5-year-old boy na pinupukpok ang drums set ay isang 3-year- old na nagko-connect the dots in order to draw a house.
Kids’ interests vary. Iba’t iba ang skills and levels of progress nila. Someone who can quickly solve complicated math equations may not like sports. A student-leader who is able to make wise and quick decisions may have a hard time writing an essay. Hindi komo hindi assertive ay wala nang maiko-contribute. Totoo namang it is frustrating for a dog to be expected to meow, as much as it is traumatic for a cat to be forced to bark.
The Bible says that all of us are created in the image and likeness of God. Lahat tayo, pantay-pantay; lahat ay binigyan ng gifts. Walang nilikha ang Diyos na 5% of His image and likeness lang. Each of us are given gifts that are unique only to us. Different skills and talents, kapag pinagsama-sama, are like the keys on a piano keyboard that can create beautiful melodies together.
Loving our neighbors means accepting that they are created by God and appreciating them for their God-given gifts. Bukas, alamin natin ang isa pang paraan to show that we love our neighbors.
LET’S PRAY
Ama namin, salamat po sa mga kakayahang ibinigay po Ninyo sa akin. Turuan Ninyo akong ’wag maging mapagmataas at huwag makaramdam na ako’y kulang kumpara sa kakayahan ng iba. Tulungan po Ninyo akong magamit ang mga kakayahang kaloob Ninyo sa akin para sa kapakinabangan ng iba.
APPLICATION
May kakilala ka bang mahiyain? May katrabaho ka bang hindi mo kasing-bilis tumupad sa deadlines? O may classmate kang out of tune kumanta? ’Wag mo silang i-judge. Siguradong may iba silang kayang gawin at doon sila magaling.
SHARE THIS QUOTE
