15

OCTOBER 2024

Kay Lord Posible ’Yan!

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Alma S. de Guzman

Kapag tayo ay nasa imposibleng sitwasyon, kailangan nating umasa sa Panginoon. Ganyan ang ginawa ni Dom, kaya alamin natin ang sumunod na pangyayari sa ating series na “Sa Panginoon, Laging May Pag-asa!”

“Bakit natawa si Sara, at nagsabing kung kailan pa siya tumanda saka siya magkakaanak?” tanong ni Yahweh kay Abraham. “Mayroon bang hindi kayang gawin si Yahweh? Tulad ng sinabi ko, babalik ako sa isang taon at pagbalik ko’y may anak na siya.”

Genesis 18:13–14

For a seafarer tulad ni Dom who is the breadwinner of his family, mahirap mangarap na mag-change career dahil tanging suweldo niya ang inaasahan ng kanyang mga magulang at kapatid. Kahit gusto niyang mangarap na palaguin ang kanyang sarili, nakatali siya sa responsibilidad ng pag-poprovide sa pamilya.

Kalakip ng mga responsibilidad nariyan ang mental and emotional battles niya. Ngunit sa kabila ng lahat ng imposible, kailanman ay hindi siya nakalimutan ng Panginoon. A year came when he finally decided to pursue his long-time dream to be a teacher. And guess what? Naging napakahirap ng pagta-transition.

Pero kay Lord, walang imposible. Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, habang ang mundo ay tumigil sa lahat ng bagay, saka naman pinatunayan ng Panginoon kay Dom na walang hindi kayang gawin ang Diyos na pinagkakatiwalaan niya.

Bago siya mag-enrol ng education units, the Lord gave him a new job with decent pay and a good schedule. Add to that all the generous people who supported him throughout his journey. Naging challenging man sa umpisa pero naganap ang lahat ayon sa kalooban ng Panginoon. Three years later, the seafarer is now officially a licensed professional teacher who successfully finished the board exam with flying colors. He received a prize money, at hindi siya makapaniwala na natupad ang pangarap niya at with matching bonus pa!

When the Lord gave a promise to Abraham that they will have a baby natawa si Sara sa kanyang narinig. Marahil pakiramdam niya napaka-imposible mangyari yun. Pero kay Lord posible yan! A year after tinupad ni Lord ang pangako Niya.

In whatever situation you are in, live a life with full confidence in the Lord. He always has the best answer for our dreams and requests. Walang kahit anong imposibleng bagay ang makakadhalang sa mga bagay na gusto Niyang gawing posible. Trust that in Jesus, all things are possible.

Sa gitna ng mga problema, hamon, at transition sa buhay, ang Diyos ng pag-asa ang tangi nating maaasahan. Aasahan namin na sasamahan ninyo kami uli bukas para sa last part ng ating series na “Sa Panginoon, Laging May Pag-asa!”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat sa Iyong pagmamahal. May mga dine-desire ako na tanging Ikaw lang ang makakatupad, I pray for Your will be done, and I confidently hope in You. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Dare to ask God for great things. And faithfully trust the Lord for His answers.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 14 =