5

FEBRUARY 2026

Kung Alam Ko Lang

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Jude G. Agbayani

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.

Mga Taga-Roma 5:8

Certified dog-lover si Patty at supporter ng iba’t ibang animal advocacies. May soft spot siya for stray cats and dogs kaya nga ang dalawang aso niya sa bahay ay rescues from a local shelter.

One morning, while walking her two dogs, Patty heard a helpless cry behind the bushes. As she moved closer, a dirty puppy limped towards her. Parang  nagmamakawa ang tuta kaya’t agad niya itong dinampot. Nagtanong-tanong siya sa mga naglalakad sa area kung sa kanila ba ang tuta pero walang pumansin kay Patty.

Iniuwi ni Patty ang tuta para pakainin at painumin. Kinabukasan dinala niya ito sa vet para magamot ang malaking sugat sa paa. After  2 weeks, ibang-iba na ang tuta na tinawag niyang Moses. Sobrang kulit na nito! Lahat ng gamit ay nginangatgat at naging pasaway! “Napakakulit mo pala! Kung alam ko lang na ganyan ka, hindi na kita ni-rescue!” pabirong sinabi ni Patty kay Moses.

Mabuti na lang na hindi sinasabi ni Lord ang “Kung alam ko lang ganyan kayo, hindi Ko na kayo iniligtas”, ano?  Sabi nga sa Romans, while we were yet sinners, Christ died for us. God’s love is unconditional. Hindi Niya hihintayin na magpakabait ka para mahalin at iligtas. He loved you first. Pinili ka Niya despite of your sin. He rescued you in your broken state and showed you undeserved mercy because that’s who He is. That’s the heart of God.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father, thank You for loving me even if I do not deserve it. Soften my heart so I can obey You wholeheartedly. Help me live a life that brings honor to Your name. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Take a moment to remember the day the Lord rescued you. Choose a friend you could share your story with and share how much God loves them, too.  

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 5 =