9
NOVEMBER 2025
Lahat ba Talaga Kaya ni Lord?
Lahat ng tao ay may pangangailangan. Join us in today’s devotional to find out how God answers our needs. Welcome to our series, “God’s Answers for Your Every Need.”
Wala kayong pagkain o inumin ngunit binigyan kayo ni Yahweh upang malaman ninyong siya ang ating Diyos.
Deuteronomio 29:6
Pamilyar ba sa iyo ang Philippians 4:19 (NIV)? Ayon sa verse na ito, “My God will supply every need of yours according to his riches in glory in Christ Jesus.”
In your trying times, napaisip ka na ba kung totoong kaya ni Lord na ibigay ang lahat ng pangangailangan natin? Ayon sa psychologist na si Abraham Maslow, every human has five kinds of needs. Pinaka-basic ang physical needs tulad ng food, clothing, and shelter. Kapag na-fulfill na ang needs na ito, saka mo lang mabibigyan ng pansin ang higher-level needs tulad ng safety, love and belonging, at self-actualization o paghahanap ng purpose mo sa buhay. Paano mo nga naman iisipin ang mga iyon kung hindi mo nga alam kung paano mo mababayaran ang renta sa bahay, o kung saan manggagaling ang susunod mong kakainin?
We can learn a thing or two sa nangyari sa mga Israelita sa panahon ni Moses. According to Exodus 12:40, the Israelites lived in Egypt for 430 years and naging alipin sila roon, pero pinalaya sila ng pharaoh dahil sa 10 plagues na ipinadala ng Panginoon. Nakita ng Israelites na makapangyarihan nga ang tunay na Diyos at kung gaano Niya sila kamahal. Pero hindi pa sila natatagalan sa paglalakbay sa disyerto, nagsimula na silang magreklamo, matakot, at magduda sa plano ni Lord para sa kanila. Dahil dito, natagalan ang kanilang paglalakbay. They spent 40 years in the desert kahit na kayang baybayin ang distansya hanggang sa Promised Land ng Canaan sa loob ng labing-isang araw.
Ngunit sa panahong ito, paggising nila, may nadadatnan silang manna kaya lagi silang may kakainin. At kahit na 40 years sila sa disyerto, hindi nasira ang mga damit at sandalyas nila (Deuteronomio 29:5). Hindi itinigil ng Panginoon ang pag-aaruga sa kanila, kahit na nga nagkulang sila ng pagtitiwala sa Kanya.
LET’S PRAY
Lord, ipinagkakatiwala ko sa Inyo ang lahat ng mga pangangailangan ko. Help me to trust and believe in You always. Thank You for being my Provider.
APPLICATION
Isulat mo ang mga dahilan kung bakit ka nahihirapang maniwala that God is able and willing to provide your needs. At pagkatapos, basahin mo ang Philippians 4:19. Do this every day and wait for the Lord to answer your prayers in unexpected and surprising ways.
SHARE THIS QUOTE
