22

NOVEMBER 2024

Let Them Bloom

by | 202411, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Marlene Legaspi-Munar

Welcome back to our series, “Lessons from Plants.” Ready na ba kayong matutuong muli mula sa mga halaman at mula sa Salita ng Diyos? Then, let’s begin!

Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon …

1 Mga Taga-Corinto 7:17a

Tuwang-tuwa si Malu nang makita niyang malagung-malago na ang kanyang peacock ginger plant na nakatanim sa paso. Kumpol-kumpol sila at natatakpan na ng ibang malalapad na dahon ang mga purple flower na umuusbong. It was time to repot, kaya inilipat niya ang ilang rhizomes sa ibang paso. Now that the plants have been placed in another pot, makakakuha na ang mga ito ng enough nutrients from the soil. At lalong makikita na ang magagandang bulaklak ng mga ito!

In life, kailangan rin ng repotting. Baka masikip na sa kinalalagyan natin, and we have no more room to grow. Baka kulang na tayo sa sustansya, and we are struggling to survive. Baka in the first place, hindi tayo dapat nasa pasong kinalalagyan natin kaya we are not blooming.

Bata pa lang si Tina, pangarap na niyang maging artist. But her parents encouraged her to take up Accounting in college, and since graduating, laging related sa accounting ang naging trabaho niya. Pero hindi siya masaya, until she decided to pursue painting. It may not pay as well as her previous corporate jobs, pero happy siya. She earns from commissioned works and uses her talent to raise funds for her advocacies.

God has given us gifts, and when we use them, we are pleased, and those around us are blessed as well. When we live according to God’s calling, we bloom and bear fruits for Him. Kaya ang payo ni Apostle Paul, “Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon” (1 Mga Taga-Corinto 7:17a).

Is it time for you to be “repotted”? Or is it time for you to let others bloom where they should be planted?

Stay fresh and keep blooming for God. KIta-kits tayo bukas!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, open my spiritual eyes and let me see the path You want me to take in life. I want to bloom and bear fruit for You!

APPLICATION

Kailangan mo ba ng makakausap? Kailangan mo ba ng mahihingan ng advice regarding our topic for today? I-click lang ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 2 =