13
OCTOBER 2026
Life Detox: Ibalik si Lord sa Sentro
Welcome sa huling bahagi ng ating series na “Life Detox.” Tinalakay na natin ang paglilinis ng puso, isip, at katawan. Ngayon, sa pagtatapos ng serye, pag-uusapan natin ang pinakamahalaga sa lahat: ang pag-detox ng ating buong buhay sa pamamagitan ng paglalagay sa Diyos sa sentro.
Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian ng Diyos at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
Mateo 6:33 (MBB)
Aminin natin: lahat tayo ay nadi-distract ng maraming bagay. May career goals ka. May family responsibilities. May social life. May bills. May ministry. Lahat ito, importanteng bagay. Pero ang tanong — alin ang inuuna mo?
Malinaw ang sabi ni Jesus sa Mateo 6:33: “higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian ng Diyos.” Bakit? Kasi when God is first, everything else falls into place. Pero kapag ang daming nauuna sa Kanya, malamang, somewhere, may magkakagulo. Ang life detox ay makakatulong para mapansin natin kung ano ang unti-unting umaagaw sa puso natin. Minsan, hindi mo na namamalayan, career mo na ang master mo. O kaya, relationship goals. O kaya, acceptance ng ibang tao.
But Jesus made it clear: Seek first the Kingdom of God. Hindi “seek only,” kundi “seek first.” Hindi ibig sabihin nito na iiwanan mo ang trabaho o pamilya. Ibig sabihin, nagsisimula ka sa Diyos, at hinahayaan mo Siyang magtakda ng order sa lahat ng bagay. Ang life detox ay hindi lang tungkol sa pagputol ng masasamang bagay. Ito ay tungkol sa paglalagay sa pinakamahalagang Persona pabalik sa sentro ng iyong buhay. Kasi kung si Lord ang una, maayos ang lahat.
Ngayon, tanungin natin ang ating sarili: Ano ang mga hinahabol-habol ko lately? Mga bagay na inuuna ko sa buhay? Aligned ba ako sa kung ano ang gusto ng Diyos na “mauna” sa buhay ko? Kapag ang Diyos ang naging priority mo, Siya rin ang magiging provider mo.
Sana’y naging malinaw sa atin ngayon ang kahalagahan ng paglalagay sa Diyos sa sentro ng ating buhay. Ito ang pinakamahalagang detox na susi upang maging malinis ang puso, malinaw ang isip, at consecrated ang ating buhay. Maraming salamat sa pagsama sa atin sa series na “Life Detox”!
LET’S PRAY
Lord, maraming beses, inuuna ko ang ibang bagay — trabaho, takot, pag-aalala, plano, tao. Pero ngayon, gusto kong ayusin ang buhay ko ayon sa gusto Ninyo. Kayo ang una. Kayo ang sentro. Kayo ang dahilan. Tulungan po Ninyo akong ayusin ang priorities ko. Ayusin Ninyo ang puso ko. Gawin Ninyo akong tapat sa Inyo. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
APPLICATION
Gumawa ng listahan ng iyong top priorities. Pagkatapos, suriin kung paano ito nakaayon sa kalooban ng Diyos at kung nauuna ba ang Diyos. Basahin nang dahan-dahan ang Mateo 6:19–34. Habang nagbabasa, tukuyin kung saan nakalagay ang iyong “kayamanan” at hilingin sa Diyos na ayusin ang iyong mga prayoridad para maging aligned sa Kanya.
SHARE THIS QUOTE
