29

AUGUST 2024

Listen More, Talk Less

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Nor Aquino-Gonzales

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.

Santiago 1:19–20

Usong-uso ngayon ang pangalang, “Marites.” Marites, ano ang latest?

May bagong dagdag! At iyon ay “Marilet!” Mare, bakit ka laging galit?

The letter of James was written to believers in Christ. The writer reminds us that genuine faith should result in good works. One good work is communicating well with our brothers and sisters. How do we do this?

Una, maging alisto sa pakikinig. Hearing is not the same as listening. When we hear, we use our ears only. But when we listen, we use our five senses, plus our minds and hearts. We seek to understand than to be understood.

Pangalawa, maging maingat sa pananalita. Huwag padalos-dalos. Mas mabilis dapat ang tainga kaysa bibig. Pero kadalasan, hindi makapaghintay ang bibig. Hindi pa nga natatapos magsalita ang kausap, may sagot na tayo.

Warning! Mahirap maging maingat sa pananalita kung tayo ay galit. Anger is a natural feeling. There are good reasons to be angry. Even Jesus got angry. Sa sobrang galit nya, pinagtataob niya ang mga mesa ng mga taong ginagamit ang templo upang pagkakitaan ng pera ang mga mahihirap (Mateo 21:12–14). 

On the other hand, James is referring to anger that stems from bitterness. Kadalasan, ang taong madaling magalit ay masama ang loob. Kaya konting kilos or salita lamang ay para siyang dinamita na sinindihan at sumasabog. Ito ay maling galit dahil hindi natin magagawa ang kagustuhan ng Diyos sa buhay natin kung tayo ay Marilet. Ito ang isang dahilan kung bakit we talk more, and we listen less. It’s about time that we listen more and talk less.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, madalas ay hindi ako nakikinig at agad-agad na nagbibitiw ng salita kaya nakasasakit ako ng kapwa at nagbubunga ito ng hindi magandang relasyon. Teach me, Holy Spirit, to be humble and to search myself if there is any bitterness in my heart. Salamat, Panginoon, sa Inyong pagpapatawad.

APPLICATION

Application:  Are you about to engage in a difficult conversation? Practice active listening. Pay attention to what the other person is saying. Avoid thinking how you will respond while he or she is talking. Instead, pause after you heard him. Think of the right words to say. Ask yourself: Is it true? Will it be good for her? Will my words glorify God?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 13 =