16

FEBRUARY 2026

Living the Olympic Spirit

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Jose Silvestre C. Gonzales

Anuman ang ginagawa mo’y pagbuhusan mo ng iyong buong makakaya …

Ang Mangangaral 9:10a

Sumali ang Pilipinas sa Olympics noong taong 1924 more than 100 years ago! Tayo ang kauna-unahang bansa sa buong Southeast Asia na sumali. Isang malaking karangalan para sa atin dahil 44 na bansa lamang ang nakasali noon.

Fast forward to 2020. Di malilimutan ng marami nating mga kababayan nang makuha ni Hidilyn Diaz ang first Olympic gold for the Philippines. In 2024, sinundan ito ng 24-year-old gymnast na si Carlos Yulo nang nanalo siya ng dalawang gold medals.  Bukod sa gold medalists na ito, marami rin sa ating mga atleta ang nag-uwi ng silver at bronze medals. Nakakaproud talaga!  

Dahil sa kanilang katatagan at determinasyon na manalo, ibinuhos nila ang buong lakas at galing para makamit ang mga karangalan para sa ating bansa.  Isinabuhay nila ang motto ng Olympics “faster, higher, stronger.”

Faster ang kahalagahan ng speed at efficiency sa lahat ng kompetisyon. Gusto ng mga athlete makuha ang  fastest times in races.

Higher ang mga atleta ay palaging nagstra-strive to reach new heights, ang ma-achieve ang kanilang personal bests and break world records.  

Stronger mahalaga rin ang kalakasan both in physical terms and in the mental resilience required to compete at high levels.

These three words capture the Olympic ideal of striving for personal and athletic excellence. Goal ng mga athlete na ma-push ang kanilang  limits.  

Pero para lamang ba sa mga athlete ang tatlong salitang ito? Hindi. Ito ay para sa lahat. Getting faster, higher, and stronger means we can all strive for personal excellence.  Whatever your hand finds to do, do it with all your might: Sa trabaho, pag-aaral, gawaingbahay, paglalaro, pag-e-exercise. Hindi tayo dapat masanay sa “puwede na iyan.”   

Kung gusto mong maging mas matagumpay, kailangan mong patuloy na magsumikap.

Huwag kang maging kuntento sa nagagawa mo ngayon. You can go further with God’s help.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan Ninyo akong huwag mabalewala ang talents and opportunities na ibinibigay Ninyo sa akin. Help me to always do my best in everything I do because I want to honor You.

APPLICATION

Make goals in specific areas of your life wherein you can demonstrate improvement. Share these goals with a friend who can help you monitor your progress.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 2 =