25
AUGUST 2025
Liwanag Ka

As we celebrate National Heroes’ Day, we also give thanks to God for modern-day heroes in our midst. May you be encouraged as we start our new series: Inspiring Men and Women.
Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”
Mateo 5:16
Alam ba ninyo na ang mga peso bill natin ngayon ay may kasamang Bible verse? “Pinagpala ang bayan na ang Diyos ay ang Panginoon.” Ito ay hango sa Awit 33:12. Noong December 2010, inaprubahan ng ating Monetary Board ang inclusion ng verse na ito. Ito ay dahil sa mungkahi ni Diwa Guinigundo, ang dating deputy governor ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP). Hindi alam ng marami na siya rin ay isang senior pastor sa church na kanyang kinabibilangan.
Papaano nangyari iyon? Si Ginoong Guinigundo ay naging chairman ng Numismatic Committee at ng Currency Management Committee ng BSP. Ang grupong ito ang in-charge sa pag-aapprove ng designs ng ating new generation banknotes and coins.
Ayon sa dating miyembro ng Monetary board na si Nelly Favis-Villafuerte, si Ginoong Guinigundo ay nag se-share ng pagbabasa ng Biblia sa kanyang mga staff at colleagues sa trabaho. Hindi siya nahihiyang sabihin na si Jesus Christ and Lord ng kanyang personal life, ng kanyang pamilya, at ng BSP.
Ayon kay Villafuerte, si Diwa ay naging fair and honest with his dealings with the employees. He has been consistent in his respect for the law. Masasabi nating maganda ang kanyang ipinakitang halimbawa sa buong BSP. Sana ay marami pang maging katulad ni Ginoong Guinigundo. Nakita sa kanya ang magagandang katangian ng isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos.
Kamusta naman ang iyong pamumuhay? Nakikita ba ang liwanag mo sa inyong bahay, eskuwelahan, opisina, o sa komunidad?
Bukas, kilalanin natin ang isa pang taong magbibigay din sa atin ng inspirasyon na mamuhay para sa Panginoon. Abangan ‘yan bukas dito lang sa Tanglaw.
LET’S PRAY
Dalangin ko, Panginoon, na sa mga susunod na araw ay lalo pang magniningning ang aking ilaw kung saan man ako naroroon — sa bahay man, o eskuwela, opisina, at komunidad.
APPLICATION
Maging conscious na ikaw ang ilaw kung saan ka inilagay ng Diyos. Strive to make it glow. Nawa’y maging maningning ito sa mga susunod na araw.
SHARE THIS QUOTE
