31

OCTOBER 2024

Love Is Not Silent

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Kit Cabullo

Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito’y lihim pala. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

Mga Kawikaan 27:5–6

May mga sugat sa katawan natin na naghihilom nang kusa. Pero meron ding mga sugat na kahit maliit, kapag hindi nilinis at hindi pinansin, ay lumalala at lumalaki. Our struggles and conflicts with others are also like that. 

Marami sa atin ang hindi confrontational pagdating sa relationship problems. Kinikimkim o tinitiis natin because we doubt if it will turn out OK when we talk to those who have offended us. Kung konting sama ng loob at hindi pagkakaintindihan lang naman, hindi na lang natin pinag-uusapan. The problem is that many undealt issues grow worse. Lumalala pa ang problema dahil may tendency na magpatong-patong at magkabit-kabit kapag hindi na-address sa una pa lang. 

The Bible’s wise advice? Pag-usapan ang problema. Ask, explain, confront, rebuke, listen, and understand. There are risks but love should not be silent. If we are really concerned, communicate. Totoong may bagay naman na maaaring palagpasin. However, if forgiving is difficult, or if we think that it might happen again, then it must be dealt with.

Iba’t iba man ang ating mga sitwasyon, kung maaari ay huwag na nating patagalin ang mga hindi pagkakaunawaan at sama ng loob. Sa totoo lang, mas tumitibay ang pagmamahal kapag napag-uusapan ang mga problema sa isa’t isa. Relationships become more mature with every resolved conflict.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, help us to love others courageously by choosing to resolve our issues. Save us from our fears and doubts. Give us wisdom to speak the right words and to listen with our hearts.

APPLICATION

Let’s train ourselves in resolving conflicts. Mag-umpisa tayo sa maliliit na issues. May nasabi bang nakaka-offend ang kaibigan mo? Huwag kaagad siyang sisihin o sumbatan. Ask for a clarification and listen intently. Magpasalamat. Pagkatapos, sabihin mo kung paano mo ito naintindihan at kung ano ang iyong naging pakiramdam. Maging patient sa kung paano siya tutugon. Pray. Ang importante ay naging matapang kang magmahal.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 1 =