1

SEPTEMBER 2025

Mag-Ingat sa Mga Sinungaling

by | 202509, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by J. Silvestre C. Gonzales

What is one part of our body that is so strong that it can break our heart? It’s the tongue. Kaya para magamit natin ng tama ang ating dila, simulan natin ngayon ang ating series na “Taming the Tongue.”

Huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito.

Mga Taga-Colosas 3:9

May isang kilalang basagulero, babaero, at sugalero sa may Tondo — lahat na ata ng bisyo ay nasa kanya na. “Wild man” o “mad man” ng Tondo ang bansag sa kanya. Ngunit dahil sa matiyagang pagbabahagi ng Magandang Balita sa kanya ng kanyang kapitbahay, naging Christian siya.  

Nahilingan siya na magbigay ng kanyang kuwento ng pagbabago sa isang maliit na community church. Nang dumating siya sa church, mas maayos ang kanyang bihis. Pati ang kanyang pananalita, mukhang nabago na rin. Dati puro mura ang makikinig mo sa kanya — malulutong na mura!

Sinabi niya na datirati, umaga pa lang, nakipagiinuman na siya. Pag may nakitang bagong salta sa barangay, yayayain niya ito sa inuman. Ganito ang kanyang sinasabi: “Upo ka muna dito sa tabi ko para sa isang maBOTEng usapan. BEERhira ka naman mapadpad sa aming lugar. WHISKY papaano, magkakakilala rin tayo.”

Ganyan siya dati. Ngunit ngayon ay nagbagongbuhay na siya. Maraming natuwa at naluha sa kanyang pag she-share. Natutuwa dahil nagbago na siya; naluluha dahil na-touched sila sa kanyang mga sinabi.

Sa katapusan ng kanyang pagsasalita, dagdag niya: “Itinigil ko na po ang aking mga bisyo sa buhay ang paglalasing, pagsusugal, paninigarilyo, at pambababae. Nagbago na po ako.” Nagpalakpakan ang marami sa simbahan. May nagsabi ng malakas na “Praise the Lord!” Sinundan pa ng matunog na “Alleluia!”

Nakangiti ang dating siga bago sabihing,, “Mga kapatid, hindi ko pa po lahat itinigil ang aking mga bisyo. Meron pa pong natitirang isa.”

Tumayo ang pastor at nagsalita, “OK lang yon. Lahat naman tayo ay may kahinaan. Sa tamang panahon, tutulungan ka ng Diyos.”

“Ipanalangin po ninyo ako,” dagdag ng dating basagulero. “Ang isang bisyong na hindi ko maitigiltigil pa ay…ang pagsisinungaling.

Biglang tumahimik ang buong kongregasyon. Napakamot ng ulo ang marami sa kanila at nagsabing, “Ano ba talaga?

Ipasakop natin sa Panginoon ang ating dila nang sa gayon hindi tayo makapanira. Ituloy natin ang ating series na “Taming the Tongue” bukas, dito lang sa Tanglaw.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo ako na maging totoo sa aking mga salita — hindi nambobola o nagsasabi ng white lies. Sana po ay hindi ako maging guilty sa pagsisinungaling.

APPLICATION

Sa mga susunod na araw at linggo, maging maingat ka sa iyong pagsasalita. Iwasan mo ang pagsisinungaling o pag e-exaggerate sa iyong pamilya o mga kaibigan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 11 =