21
OCTOBER 2026
May Utang Ka Ba?
Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso’y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
Awit 37:21
“Salamat sa Diyos, nahanap ko rin kayo!” tuwang-tuwa si Aling Mely nang sa wakas ay magkita sila ni Mrs. Cruz. Hindi rin makapaniwala si Mrs. Cruz, dahil pagkatapos ng halos 10 taon, ay heto at kaharap niya si Mely.
Flashback to 10 years earlier… nanghiram sa kanya ang kapitbahay niyang si Mely ng 10,000 pesos pampuhunan sa maliit na negosyo nilang mag-asawa. Nangako naman si Aling Mely na babayaran siya, pero pagkaraan ng isang buwan, biglang umalis sa inuupahang bahay ang pamilya ni Aling Mely. Wala nang nabalitaan pa si Mrs. Cruz tungkol sa kapitbahay na nangutang.
Flash forward to today. Nakatanggap ng friend request si Mrs. Cruz sa kanyang social media account mula sa isang babaeng ang pangalan ay Mely. To cut the long story short, nagpaliwanag ang babae tungkol sa kanilang biglaang pag-uwi sa probinsya at humingi ng dispensa. Gusto niyang makipagkita para magbayad ng utang.
Nalimutan na ni Mrs. Cruz ang utang ni Aling Mely, pero ikinatuwa niya na nagbalik ito para magbayad. Kuwento nito, naging Bible-believing Christian siya at alam niyang kalooban ng Diyos na magbayad siya ng utang, lalo’t naging mabuti na ang kanilang kabuhayan. Si Aling Mely ay proof na kapag nasa puso natin ang Panginoong Jesus, susundin natin ang turo Niya na mamuhay tayo ng tapat at matuwid — gaya ng pagbabayad ng utang.
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan Ninyo akong mamuhay nang tapat at matuwid. Tulungan Ninyo akong makabayad ng utang, o maibalik ang anumang nahiram ko. Salamat sa pagpapala Ninyo sa akin para maging pagpapala rin ako sa iba.
APPLICATION
Basahin sa Luke 19:1–10 ang kuwento ni Zacchaeus. Anong lessons ang matututunan dito tungkol sa “pagbabayad” ng anumang kinuha mo sa ibang tao? Pagplanuhan kung paano maibabalik sa iba ang anumang nahiram o nautang mo.
SHARE THIS QUOTE
