25
SEPTEMBER 2023
More Than Enough
Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.
Deuteronomio 10:18
Noong 1986, lumabas ang pelikulang Children of a Lesser God. Ang title ay tumutukoy sa bida na isang babaeng bingi. Marami siyang dalang emotional trauma dahil sa mga napagdaanan bunga ng kanyang kapansanan. Umabot siya sa puntong inaayawan na niya ang magagandang oportunidad na lumalapit sa kanya, pati na rin ang mga taong gustong magmahal sa kanya. Takot na kasi siyang umasa at pagkatapos ay masaktan lang muli.
Ikaw rin ba, nararamdaman mo paminsan-minsan that you are a child of a lesser God?
Baka sumagi na sa isip mo that you were created by a God na kulang sa kapangyarihan kaya puro struggle ang pinagdadaanan mo. It’s easy to feel like you belong to a lesser God when everybody around you seems to be thriving. Ang totoo, nobody’s life is perfect all the time. We all experience hardships and pain. We all experience suffering and loss. Hindi ito ang plano ng Panginoon para sa atin. It is a consequence of sin and living in this fallen world.
But the Lord promised to save us from sin and put us under His protection. He is also loving and merciful. Ilang beses binabanggit sa Bible kung paano Niya inaalagaan ang mga taong nasa pinakamabibigat na sitwasyon: ang mga ulila, mga balo, at mga estrangherong walang ibang puwedeng hingan ng tulong (Deuteronomio 10:18; Awit 68:5; Jeremias 49:11). We were all created by one and the same God. When He looks at us, He doesn’t see some of us as “less,” and some of us as “more.” And if we acknowledge Him as the Lord of our lives, we will see that He will always provide us with more than what we need or ask for.
LET’S PRAY
Lord Jesus, I believe in You. Strengthen my faith, para kahit anuman ang pagdaanan ko, hindi ako mayayanig. Hindi magbabago ang tingin ko sa Inyo as my source, my strength, the provider of my every need.
APPLICATION
Basahin ang Awit 145:9. Let this remind you that God is good, and He takes care of us. Puwede mo Siyang asahan kung mayroon kang pangangailangan.