11

MAY 2022

My Refuge and My Fortress

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Shiara Denise Cano

Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo’y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika’y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

Awit 91:9–10

Second nature na yata sa ating mga tao ang mag-focus sa life’s difficulties. For instance, iniisip mo kung paano mababayaran ang bills at upa, bakit kayo nag-away, saan ka nagkamali at kung ano-ano pa. But the Bible doesn’t teach us to focus on our problems. Ang itinuturo sa atin dito ay ang ipagkatiwala sa Panginoon ang lahat ng suliranin at pangamba (Matthew 6:34).

When you pray while going through a storm in your life — may personal na problema o pagkakasakit na pwedeng humantong sa kamatayan — buo ba ang pagtitiwala mo sa Diyos o merong konting duda sa heart mo? Sabi nga sa Psalm 91:9, dahil ang Diyos ang ginawa mong kublihan ay hindi Niya hahayaan na dumapo sa iyo ang kasamaan.

Balikan natin ang story ng Israel noong panahon na hinihingi ni Moses ang kanilang kalayaan mula sa Pharaoh ng Egypt. Dahil ayaw silang pakawalan, dumating ang sampung salot mula sa Diyos sa bansang Egypt pero kahit isa sa mga Israelita ay hindi naapektuhan. Ganyan ang katapatan ng ating Diyos sa atin na itinuturing Niyang mga anak, ang Kanyang pangako na ikaw ay pag-iingatan ay tutuparin Niya sa buhay mo.

Kahit na may kinakaharap pa rin tayong pandemya o kahit ano pang suliranin, we can always have that hope in our God dahil Siya ay faithful sa Kanyang salita at sa atin na mga anak Niya. May the words of Prophet Jeremiah in Lamentations 3:22–23 (NLT) encourage us, “The faithful love of the LORD never ends! His mercies never cease. Great is his faithfulness; his mercies begin afresh each morning.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Heavenly Father, You are my Refuge and my Fortress that I can dwell in, all the days of my life. Salamat po sa Inyong mga pangako. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Prioritize your relationship with Jesus Christ by remaining in Him (John 15:4). Meditate on His Words (Joshua 1:8), at magtiwala sa Kanya at manalangin.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 11 =