12

MARCH 2021

Nakatikim ka na ba ng Honey?

by | Devotionals, God's Word

Share with family and friends

Narrated by Sonjia Calit

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Mga Kawikaan 16:24

Bukod sa matamis at masarap ang pulot-pukyutan o honey, ginagamit din ito ng marami to treat wounds, cough, cold, and allergies dahil sa healing and antibacterial properties nito. Nakakatulong din daw ito kapag may diabetes ka, diarrhea, ulcer, mataas na cholesterol, at high blood pressure. Maganda rin ito sa balat. Ang galing ano?

Ikinumpara ni Solomon, the author of Proverbs, ang honey sa magagandang pananalita. Gracious words are so powerful that they have the ability to bring healing, strength, and good health to someone who is sick and weak.

Napatunayan rin iyan ng authors na sina Andrew Newberg, M.D. and Mark Robert Waldman who co-wrote the book Words Can Change Your Brain. Sabi nila, “A single word has the power to influence the expression of genes that regulate physical and emotional stress.”

But then, you cannot give what you do not have. Sabi ni Jesus, out of the abundance of the heart the mouth speaks (Mateo 12:34). Kung puno ng bitterness, anger, and offenses ang heart mo, hindi malabo na ito rin ang mabibigkas mo sa mga taong nakapaligid sa iyo, aware ka man o hindi.

Paano magiging kaaya-aya ang iyong mga salita?

Definitely, not by your own strength o sa sarili mong kakayahan, but only through Jesus. Hayaan mong gamutin ni Jesus ang mga sugat ng puso mo at balutan Niya ito ng Kanyang pag-ibig. Let Jesus fill your heart with His love to the point na hindi mo na ito ma-contain and you can’t help but share it to others. Siya rin ang magbibigay sa iyo ng grace and power to forgive others and let go of offenses. At kung lagi mong mababasa at maririnig ang Kanyang Salita na nagbibigay ng pag-asa, magiging positive at sweet ang iyong mga salita!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, I regret the times that I used words carelessly which caused wounds and pains to others. Salamat sa Inyong pagpapatawad. Punuin Ninyo ang puso ko ng Inyong pagmamahal at gamitin Ninyo ang bawat salita na aking bibigkasin upang maging pagpapala sa aking kapwa. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Take time to evaluate kung ano-anong words ang nasabi mo lately. Ang mga ito ba ay nakapagbibigay ng pag-asa o nakasakit ng kapwa? Did they bring smile or ruin someone’s day? Did they build up or tear down? Humingi ng tawad sa mga taong maaaring nasaktan mo dahil sa iyong mga nasabi.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 2 =