3

FEBRUARY 2025

Nandiyan Ka Lang Pala, Lord

by | 202502, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Jude G. Agbayani

Hanapin mo si Yahweh habang siya’y matatagpuan, manalangin ka sa kanya habang siya’y malapit pa.

Isaias 55:6

Bata pa lang si Patricia ay takot na takot na siyang magkamali. Lagi siyang sinasabihan ng lola niya na kapag may ginawa siyang kasalanan, magkakaroon ng black dot ang kanyang puso. At kapag napuno na ng block dots ang puso niya ay hindi na siya maririnig ng Diyos. Napaka-vivid ng picture na ito kaya’t tuwing napapagalitan siya ng mga matatanda ay sobra ang iyak niya.

Pero nung lumalaki na siya, parang nakalimutan na niya ang tungkol sa black dots. Sabi niya sa sarili niya, “Wala eh. Di ko talaga ma-perfect ang buhay ko. Siguro nilayuan na ako ng Diyos.”

Not long after this, Patricia felt God’s presence for the first time. She was scrolling on social media when she stopped at the video of a woman praying. The prayer became personal, and Patricia felt God speaking to her through the woman. Tears began to flow from her eyes, and she said, “God, have you been there all this time? I am so sorry.”

First time naramdaman ni Patricia ang ganung klaseng peace sa puso niya. Hindi niya ito maipaliwanag kaya’t nag-message siya sa isang friend niyang matagal na siyang ini-invite sa church. Kinuwento niya sa kanyang kaibigan ang nangyari and that Sunday, Patricia attended a church gathering. And that was the start of her new journey with the Lord.

Pakiramdam mo ba ang layo-layo ni Lord sa iyo dahil sa mga nagawa mo sa buhay? Akala mo lang ‘yun, pero nasa malapit lang Siya at hinihintay Niya na kausapin mo Siya. Nandiyan Siya para patawarin ka at bigyan ng bago at mas makabuluhang buhay.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, nahihiya ako sa Inyo. Sa dami ng kasalanan ko, feeling ko I don’t deserve to come near to You. Pero salamat dahil binigyan Ninyo ako ng chance na makilala Kayo ngayon. Salamat sa forgiveness and sa new life na ibibigay Ninyo sa akin. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Ano ang mga nagpapaalala sa iyo that God is always near? Write your answers in your journal and thank God for His presence.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 9 =