24
JUNE 2025
Nariyan Siya sa Iyong Tabi
Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.
Awit 34:18
Malungkot si Cherry. Ayaw na siyang pagdraybin ng asawa’t mga anak niya. Bukod kasi sa lumalabo na ang mga mata niya, mabagal na rin ang reflexes niya. In the last three weeks, ilang beses siyang nabangga o muntik nang mabangga.
Matinding lungkot ang naramdaman ni Cherry nang pagbawalan na siyang mag-drive dahil stress reliever niya ang driving. As a stay-at-home mom, break para sa kanya ang pag-alis ng bahay to do errands. Nakakapunta rin siya sa mga lugar na gusto niyang puntahan kahit mag-isa lang siya. She considers driving as one of her top skills, at sabi pa nga ng kapatid niya, kahit 24-wheeler truck kaya niyang i-drive. Pero ngayong senior citizen na siya, mukhang hindi na makakahawak ng manibela si Cherry. Ipagda-drive na lang daw siya ng mga anak niya.
For some people, mababaw lang ang ikinalulungkot ni Cherry kumpara sa namatayan ng mahal sa buhay. We usually associate grief with the death of a loved one, yet sorrow can accompany any experience that disrupts our sense of normalcy. Losing a skill and not being able to enjoy an activity as one used to, can be a cause for disenfranchised grief — a grief that others think isn’t valid. Na hindi raw dapat iniiyakan.
But Psalm 34:18 (ESV) tells us where God stands when we are grieving: “The LORD is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.” God is beside us when we feel lonely and isolated and helps us cope. He heals us when we are brokenhearted and bandages our wounds (Psalm 147:3).
Sa gitna ng losses and changes sa buhay natin, hindi tayo iniiwan ng Diyos. He can cause us to see what we can gain from our loss and give us courage to follow a new path. Hindi tayo pinagbabawalan ng Diyos na magdalamhati at umiyak, pero hayaan din nating pahirin ng Diyos ang ating mga luha para makita natin ang mga magaganda pang puwedeng mangyari sa atin.
LET’S PRAY
Dear God, please comfort me in my grief and pain. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
If you’re grieving right now, hold on to God’s promise that He is near you. If you know someone who may be grieving, let them know that you are always available when they need someone to talk to.
SHARE THIS QUOTE
