14

JANUARY 2026

Nauuhaw Ka Ba?

by | 202601, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Marlene Legaspi-Munar

Welcome to the second part of our series, “Halika Na!” Kahapon, nakita natin na tinawag ni Jesus ang mga napapagod at nabibigatan. Sino kaya ang tatawagin naman ni Jesus ngayon? Alamin natin in today’s devotion.

Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin, at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’”

Juan 7:37–38

Try to imagine this: Naglalakad ka sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ang init! Pagdating ng bahay, anong una mong hahanapin? Hindi ba isang bote ng malamig na tubig? Kailangan mong makainom ng isang baso ng malamig na tubig para mapawi ang iyong uhaw.

Marami ang nauuhaw sa atin — hindi lang sa tubig, kundi figuratively speaking, sa iba’t ibang bagay. Some people are thirsty for knowledge — with a strong desire to learn kaya masipag silang mag-aral. Some are thirsty for attention and affection. Gusto nilang lagi silang pinapansin because they have a strong need to be validated and to feel loved. Meron namang uhaw sa approval, wanting to be praised or approved. And individuals with a strong craving for power are simply driven by their thirst for it. On the other hand, the Bible describes a different kind of thirst — a spiritual longing for God. Ang sabi ng sumulat ng Psalm 63:1 (NIV), “You, God, are my God, earnestly I seek you; I thirst for you, my whole being longs for you ….”

Jesus is aware of our thirst — iyan man ay thirst for physical water, a strong desire to satisfy our socio-emotional and mental needs, or a deep longing to know God. Kaya nga sinabi Niya noon sa mga nakikinig sa Kanya, at sa atin na nakikinig ngayon, na tayo ay lumapit sa Kanya, manalig at tanggapin Siya. Si Jesus lang ang pinanggagalingan ng true and lasting satisfaction. Kapag tinanggap Siya ninuman at kinilala, makakaranas sila ng ibang level ng satisfaction na hindi nila mararanasan sa anumang purified o mineral water, sa walang katapusang pagpapakadalubhasa, o ilang milyong followers sa social media. Kaya kung nauuhaw ka, saan — o kanino — ka pupunta?

Sana ay samahan ninyo kami uli bukas para sa last part ng ating series na “Halika Na!” See you!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, gaya ng sabi Mo, lumapit ako sa Iyo para hindi na ako muling mauhaw pa. Thank You for revealing Yourself to me and for satisfying me in all areas of my life.

APPLICATION

Basahin sa John 4:127, 3942 ang encounter ni Jesus with the Samaritan woman. Masasabi mo bang napawi ang “uhaw” ng babae? Anong patunay na nakaranas siya ng satisfaction?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 3 =