18

MAY 2025

Never Too Old

by | 202505, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Marlene Legaspi-Munar

“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan.”

Exodo 3:12

“Hindi ko inaasahan kasi matanda na ako. Thank You, Lord!” Iyan ang nasabi ni Nanay Rose nang pumasa siya sa bar exam noong 2023. Nang pumasa si Rosula Calacala ay 62 years old na siya at hindi naging madali ang daan tungo sa kanyang tagumpay. Ano nga ba ang nagtulak sa kanya para maging lawyer sa kabila ng may edad na siya?

Ayon kay Atty. Calacala, wala kasing lawyer sa malayong bayan nila sa Jones, Isabela kaya naisip niyang paglingkuran ang mga kababayan niya sa ganitong paraan. Kahit na mahirap maging law student dahil maraming binabasa at minememorya, nag-aral siyang mabuti. Naniniwala si Atty. Calala na may silbi pa ang mga senior citizen, at ang payo niya sa mga kapwa senior niya, “Gawin nating productive ang remaining years of our life.”

Moses was 80 years old when God called him through a burning bush to lead the Israelites out of slavery in Egypt (Exodus 3). It was a big task para sa isang matandang lalaki na walang ibang taong nakahalubilo maliban sa pamilya niya at mga inaalagaang tupa sa loob ng 40 years. Confront the mighty pharaoh of Egypt and command him to set free the people of God? Nanginig ang tuhod at labi ni Moses sa takot. Pero sabi ni Yahweh sa kanya, “Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan” (Exodo 3:12).

This promise of God is not just for those na kagaya ni Moses na may mission of epic proportions, pero para rin ito sa lahat ng lolo at lola, sa mga elderly, golden agers, and senior citizens who are faced with challenges and opportunities. May project bang inilalagay ang Diyos sa puso mo? Do you want to volunteer for a worthy cause? Gusto mo bang mag-aral uli and become a lawyer too? If you think God is calling you to do so, huwag kang mag-alala. Sagot ka Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, nilikha Ninyo ako para maging productive. Thank You for blessing me with strength, good health, wisdom, and grace so I can be fruitful in my senior years.

APPLICATION

Think about ways you can serve your community. Also consider opportunities to study through books and online or onsite workshops. Keep learning and live a productive life.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 13 =