9

JANUARY 2026

On Being a Librokado

by | 202601, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Jose Silvestre C. Gonzales

Pagkabasa sa sulat, nagalak ang lahat dahil sa mensaheng nagpalakas ng kanilang loob.

Mga Gawa 15:31(MBB)

Sa isang publishing house, nagmi-meet ang editorial team every Monday morning para i-discuss ang napiling libro na makakatulong sa kanila to become better in their work.

Minsan, lumapit ang company driver na si Totoy kay Rico, ang publications manager. Ang sabi niya, “Inggit ako sa inyo. Patuloy kayong nag-aaral tungkol sa paggawa ng libro. Lahat kayo ay may college degrees. Mga edukado kasi kayo. Samantalang ako, hanggang first year high school lang ang natapos ko. Wala kasing pang-matrikula ang mga magulang ko.”

Ngumisi si Rico at sinabing, “Ha? Porke’t di ka college graduate, sa tingin mo ay hindi na uunlad ang buhay mo?” Ang totoo, maraming mga kababayan natin ang ’di nakatapos ngunit naging successful sa kanilang buhay. Isa na diyan ay si Andres Bonifacio. Lumaki rin siya sa hirap. Nagtitinda lamang siya ng pamaypay sa bangketa. ’Di rin siya nakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay.  

Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanyang pag-unlad. Natuto siyang magbasa at binasa niya ang mga librong tulad ng tungkol sa French Revolution at Noli me Tangere. Dahil dito, nagkaroon siya ng idea na itatag ang Katipunan noong July 1892.   

Hindi man edukado si Andres Bonifacio pero siya naman ay naging LIBROkado. Ang kanyang pagbabasa ay naging portable na eskwelahan para lumawak ang kaalaman niya, at nag-contribute sa kanyang personal growth.

Books offer us a  wealth of information on countless subjects. Mas maiintindihan natin  ang tungkol sa history, science, arts, culture, at iba pa. Sa ating pagbabasa naiis-stimulate ang ating utak, nai-improve ang cognitive functions natin katulad ng comprehension, critical thinking, at analytical skills. Dahil sa pakikipag-uusap ni Totoy kay Rico, naliwanagan siya. At simula nang araw na iyon ay nagsimula na ang adventure ni Totoy sa pagbabasa ng libro. ’Di nagtagal ay naging full-fledged librokado na siya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, O Panginoon, sa power of the printed page. Katulad ng Biblia, na daan-daang taon na ang nakalipas mula nang ito ay mabuo, ngunit patuloy pa rin Kayong nagsasalita sa pamamagitan nito.  

APPLICATION

Nag-iispend ka ba ng time para magbasa ng libro? Piliin mo na kung ano ang babasahin mo sa susunod na dalawang linggo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 15 =