15

NOVEMBER 2026

One Promise Each Day

by | 202611, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Santiago 1:3 (MBB)

Did you know that there are 365 wonderful promises in the Bible? When Raymond first learned about this sa isang sermon ng kanilang simbahan sa Quezon City, napangiti at nagpasalamat siya sa Diyos.

“Ibig sabihin nito ay may isang pangako bawat araw na puwede kong panghawakan sa aking buhay,” sabi niya sa sarili. Hindi siya mauubusan ng promises each day.

Ngunit sa katagalan napag-isip-isip niya, Bakit kaya ang daming  promises sa Bible? Ibig bang sabihin nito na mahirap ang buhay Cristiano? Kasi kung madali lang mamuhay bilang isang mananampalataya, hindi kailangan ng maraming  promises. Puwede na siguro ang mga thirty to forty promises lang. 

Pero kung may nakalaan na isang promise each day, ibig sabihin nito ay may posibilidad na dadaan tayo sa mga matitinding pagsubok. Kaya kailangan tayong lumapit sa Diyos at humingi ng tulong. At doon papasok ang promises ng Diyos, katulad ng, “Sapagkat sinabi ng Diyos, ‘Hindi kita iiwan ni pababayaan man’” (Mga Hebreo 13:5). O sa Mga Taga-Filipos 4:19: “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.” 

Na-appreciate ni Raymond kung bakit sangkatutak ang mga pangako ng Diyos. Marami man siyang daanang  pagsubok, may dala namang pag-asa ang mga pangako ng Diyos. Kapag lumapit siya sa Diyos at humingi ng tulong, makakaasa siya na sa Kanyang tulong, mapapagtagumpayan niya ang mga pagsubok.

Huwag nating kalimutan na tinuturo sa Bible na ang mga pagsubok sa buhay ay unavoidable part of the human experience. Lahat tayo ay dadaan doon. Walang exempted. Come to think of it — ito ay mga oportunidad para tayo ay lumago spiritually, ma-develop ang ating character ,at magkaroon ng deeper reliance sa Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, O Diyos, sa maraming mga pangakong nakasulat sa Inyong Salita. Sa pamamagitan ng mga ito, naihahanda po Ninyo ako na maging matagumpay sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

 

APPLICATION

Ilista ang limang pangako sa Biblia. Simulan mong imemorize ang mga ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 8 =