17
MARCH 2026
Oras na Para Magbalik-Loob
Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa.”
Juan 21:15
Naranasan mo na bang bumigay sa oras ng pagsubok? ‘Yung tipong alam mong matibay ang faith mo, pero bigla kang nadapa at pakiramdam mo ay hindi ka na karapat-dapat?
The Apostle Peter can relate. Hindi siya na-exempt sa mga ganitong pagsubok kahit isa siya sa mga unang sumunod kay Jesus, naging “spokesperson” ng group of disciples, at siyang nagsabing, “Lord, I will never leave you.” Nang dumating ang oras ng huling paghatol kay Jesus, tatlong beses niya Siyang itinanggi.
Pero we can read in John 21, matapos na mabuhay na muli si Jesus, hinarap Niya si Peter hindi upang maghusga at mag-condemn, kundi para mag-restore. Three times niyang itinanggi si Jesus kaya tatlong beses din Siyang tinanong ng, “Do you love me?” It was another chance for Peter to reaffirm his devotion to Jesus, repent of his sins, and return to God.
Hindi galit si Jesus. Hindi Niya pinagdiinan ang pagkakamali ni Peter at hindi Niya ito sinisi. Ito ang larawan ng grace — hindi tayo tinatanggihan ni Jesus sa kabila ng ating mga pagkukulang. Sa halip ay binubuo Niya tayo mula sa ating pagkabigo at itinataas mula sa ating pagkadapa.
Tulad ni Peter, Jesus wants to restore you and love you. Tandaan mo na hindi pa dead end ang kuwento ng buhay mo. Kahit na we’ve broken His heart, there’s no sin too bad for Him to forgive. He is ready to cleanse and transform us.
Kung sa tingin mo ay wala ng pag-asa dahil sa pagkakamaling nagawa mo, tandaan mo ang encounter ni Peter kay Jesus. Hindi siya iniwan ni Lord, at hindi ka rin Niya iiwan o pababayaan. Handa Siyang tanggapin ka, buuin ka, at gamitin ang buhay mo para maging pagpapala sa iba. His plans for you are good.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa Iyong walang hanggang biyaya at pagpapatawad sa aking mga kasalanan at pagkakamali. Salamat dahil ibinalik Mo ako sa kabila ng aking kabiguan. Simula ngayon, gamitin Mo akong muli para sa Iyong mga layunin. Amen.
APPLICATION
If you have a journal, isulat mo ang anumang pagkakamali na nagpapabigat ng puso mo at ang mga hakbang na puwede mong gawin para magpatuloy muli sa iyong faith journey with the Lord.
SHARE THIS QUOTE
