24
FEBRUARY 2026
Overworked and Underpaid
Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao.
Mga Taga-Colosas 3:23
Isa ka ba sa milyon-milyon sa Pilipinas na pumapasok sa trabaho araw-araw? Admit it or not, there are times when life as an employee is hard. Minsan, parang ang sarap na lang mag-resign, ano? Walang katapusan ang stress at trabaho. Buti sana kung may dagdag sa suweldo. Kadalasan, wala naman! OK lang basta may nakaka-appreciate ng efforts mo. Ang problema, parang walang nakakapansin sa mga ginagawa mo.
Kung may isang tao sa Bible na makaka-relate, si Martha na ito. Sa Luke 10, ikinuwento kung paanong nag-volunteer siyang asikasuhin si Jesus at ang mga kasama nito sa pagbisita sa bayan nila. Pero hindi niya inexpect kung gano karami ang kailangan niyang gawin. Nasa bahay din ang kapatid niyang si Mary, pero naupo ito sa paanan ni Jesus para makinig sa Kanya.
Nagsumbong si Martha kay Jesus. Napaka-unfair — siya lang ang nagpagod dahil hindi man lang siya tinulungan ng kapatid. Pero ipinaintindi ni Jesus na bihira lang Siyang pumunta sa lugar nina Martha, kaya Mary was right in choosing to pause and listen to Him. Spending time with the Lord feeds our spirit.
Dahil masyadong tutok si Martha sa trabaho, she missed out on the amazing opportunity to spend time with Jesus. Don’t make the same mistake dahil puwede namang pagsabayin — you can spend time with the Lord while you’re working. You can thank Him for the opportunity to be productive and to use the talents and abilities that He has given you.
If you’re struggling at work, remember that hard times don’t last forever. Sabi nga sa Galatians 6:9 (NLT), “So let’s not get tired of doing what is good. At just the right time we will reap a harvest of blessing if we don’t give up.” Be excited about what God has in store for you — at work and in the other areas of your life.
LET’S PRAY
Lord, alam ko namang walang tapon sa Inyo. I know that You are preparing me for something more. I will trust Your plan.
APPLICATION
Balikan ang mga dinadasal mo bago ka nakapasok sa current job mo. Maaaring consistent income ang hiling mo noon kay Lord, o mas maraming responsibilities para naman ma-challenge ka at mahasa ang skills mo. This exercise will help you remember that your job right now might not be perfect, pero sagot ito sa mga dinadasal mo lamang noon.
SHARE THIS QUOTE
