13

JANUARY 2026

Pagod Ka na Ba?

by | 202601, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Marlene Legaspi-Munar

“Halika na!” “Tara na!” Mga halimbawa ito ng pagtawag sa isang tao na lumakad at lumapit sa taong tumatawag. Ngayong araw, simulan natin ang isang series tungkol sa invitation sa atin ni Jesus na lumapit sa Kanya. Kaya, “Halika na!”

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan…”

Mateo 11:2829

Stressed si Lindy dahil sa dami ng utang niya. Tuloy, lagi siyang pagod. “Mabuti sana kung katawan ko lang ang pagod; ang mahirap, pati isip ko pagod na!” reklamo niya. Maraming kagaya ni Lindy na nakakaranas ng pagod dahil sa stress at iba pang factors gaya ng lack of sleep, poor diet, sakit sa puso, sakit sa thyroid, anemia, at hormonal changes. Nakakapagod din ang mag-alaga ng maysakit at makisama sa workmates or mga boss na unreasonably demanding. At kapag mainit din ang panahon, madali tayong mapagod at manghina.

Alam na alam ni Jesus ang mga pinagdadaanan nating hirap, pagod, at mga problema. Kaya nga tinatawag Niya ang lahat ng nahihirapan at sobrang bigat na bigat na sa dala-dalang pasanin sa buhay. Jesus promised to give us rest. He wants us to experience that rest by coming to Him first of all. Naranasan mo na bang pagkagising sa umaga, bago magkape at umalis ng bahay, ay lumapit muna kay Jesus para sabihin sa Kanya ang lahat ng concerns mo?

Imagine sitting across Jesus habang nagkakape at kinukonsulta mo Siya tungkol sa stressors mo. Hindi lang Siya makikinig sa iyo; bibigyan ka pa Niya ng payo na tiyak na makakatulong sa iyo. Puwede Niyang ipahatid sa iyo ang Kanyang payo through a godly thought, a message from someone, a situation, and most of all, through His Word — the Bible. Ang sabi ng sumulat ng Awit 119:105: “Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.”

Tinatawag ka ni Jesus, “Halika, lumapit ka sa Akin para mapahinga ka.”

Bukas, alamin naman natin ang imbitasyon ni Jesus para sa mga nauuhaw. Kung may kakilala kang nangangailangan ng mensaheng ito, invite them to listen to us tomorrow, dito lang sa Tanglaw!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, inilalapit ko sa Iyo ang aking sitwasyon. Makikinig ako sa payo Mo. Nagtitiwala ako na mahahanap ko sa Iyo ang rest and refreshment na hinahanap ko.

APPLICATION

Tell Jesus whatever it is that’s troubling you. Then ask the Holy Spirit to guide you to specific Bible verses to read and wait for God to provide you with understanding.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 12 =