29

MARCH 2026

Palm Sunday: Anong Sinisigaw Mo Diyan?

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Peter Adelberth Ocampo

 Today ushers in the start of the Holy Week. Balikan natin ang araw nang pumunta si Jesus sa Jerusalem. Paano Siya tinanggap ng mga tao? Did they reject Him or celebrate Him? Samahan natin ang mga taong sumalubong sa Kanya noong araw na iyon.

Kumuha sila ng mga palapa ng palmera, at lumabas sila sa lungsod upang siya’y salubungin. Sila’y sumisigaw, “Purihin ang Diyos. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!”

Juan 12:13

Isang mainit na pagsalubong ang natanggap ni Jesus nang pumasok Siya sa Jerusalem. Parang royal parade! Kumuha ang mga tao ng mga sanga ng palmera at iwinagayway ang mga ito bilang simbolo ng tagumpay at paglaya. Inilatag nila ang kanilang balabal sa daan bilang tanda ng paggalang at pagpapasakop. Sa kanilang pagsigaw ng “Hosanna!” hindi lang sila nagpuri kundi humiling din ng pagliligtas “Panginoon, iligtas Mo kami ngayon!”

Marami ang naniniwalang si Jesus na ang Mesiyas na magpapabagsak sa Roma at magtatatag ng isang bagong kaharian. Pero hindi ito ang plano ng Diyos. Dumating si Jesus bilang isang Hari ng kapayapaan, hindi bilang isang mandirigma. Sa halip na isang kabayo, sumakay Siya sa isang asno, ayon sa hula ni prophet Zechariah  (see Zechariah  9:9).

Ngunit ilang araw lang ang lumipas, nagbago ang ihip ng hangin. Marami sa mga sumalubong kay Jesus ang natahimik, nalito, o naimpluwensyahan ng mga lider ng relihiyon na gustong ipapatay Siya. Hindi Siya ang Mesiyas na inaasahan nila. Sa halip na ipaglaban Siya, nanood lang sila habang Siya’y pinahirapan.

Minsan, ganito rin tayo. Madali tayong magpuri sa Diyos kapag maganda ang takbo ng buhay. Pero paano kung iba ang plano Niya sa gusto natin? Susunod pa rin ba tayo kay Jesus bilang ating Hari kung hindi natin makuha ang gusto natin mula sa Kanya?

Bukas, babalikan natin ang iba pang mga nangyari nung Holy Week 2,000 years ago. How will what happened then affect our lives today?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, ayokong mahalin Ka lang dahil sa mga pagpapala. Ikaw ang tunay na Hari, at nais Kitang sundin sa lahat ng panahon. Turuan Mo akong magtiwala sa Iyo, kahit hindi ko laging nauunawaan ang Iyong mga plano. Amen.

APPLICATION

Ngayong Holy Week, kilalanin natin nang mas malalim si Jesus. Totoo ba Siyang Hari ng buhay natin, o inaasahan lang natin Siyang sumunod sa gusto natin? Hindi sapat ang sumigaw ng “Hosanna.” Ang mas mahalaga ay ang patuloy na pagsunod sa Kanya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 6 =