25

AUGUST 2024

Para sa mga Pasaway

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Ngunit sinabi ni Esau, “Sapat na ang kabuhayan ko. Sa iyo na lang iyan.”

Genesis 33:9

Pasaway ka ba? Second nature na ba para sa iyong kwestyunin ang rules and regulations anywhere you go? This attitude may have caused strained relationships, friendship overs, and getting fired from your job. Baka pati ang relationship mo sa Panginoon, nagkalamat na dahil kaysa sumunod sa Kanya, ang ginagawa mo ay kung ano ang gusto mo. 

May similarities kayo ni Esau kung ganun. Hindi niya pinahalagahan ang birthright bilang panganay kaya ipinagpalit niya ito sa isang mangkok ng pagkain. Nagpakasal siya sa hindi nila kalahi, which caused a lot of problems with his parents. Posibleng isa ito sa mga dahilan kaya lalong lumayo ang loob ng kanyang inang si Rebeca, kaya hinimok nito ang kapatid ni Esau na si Jacob na gumamit ng pandaraya para makuha ang last blessing ng ama (Genesis 27:817).

Nakuha nga ni Jacob ang blessing ng amang si Isaac. Esau was left with nothing kaya sa sobrang galit niya, sinabi niyang papatayin ang kapatid. Napilitan si Jacob na magtago. Years later, the Lord instructed Jacob to go back to their homeland. Natakot siya sa maaaring gawin ni Esau sa kanya, kaya naghanda si Jacob ng mga regalo para rito as an act of goodwill.

To Jacob’s surprise, mainit ang pagtanggap sa kanya ni Esau. Tinanggihan pa nito ang kanyang mga regalo because he had more than enough (Genesis 33:9). Sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa, the Lord prospered Esau financially and healed him emotionally kaya nagawa niyang patawarin ang umagrabyado sa kanya. Peace of mind and favor from the Lord are priceless, pero ibinigay pa rin ito ng Panginoon sa pasaway na si Esau. Ganyan kalaki ang biyaya ng Diyos at maaari mo rin itong asahan mula sa Kanya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, pakiramdam ko, I have made too many mistakes, and that it’s too late for me. But you are the God of second chances. With you by my side, it is never too late.

APPLICATION

Basahin ang Genesis 33 and meditate on what you learned from this chapter about God and family relationships. Gamitin ang mga ito sa pagdarasal para sa mga bagay na kailangan mong irebuild sa buhay mo, gaya halimbawa ng relasyon sa pamilya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 11 =