27
NOVEMBER 2025
Patuloy na Titindig
Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa.
Mga Kawikaan 24:16 (ASND)
Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa. Mga Kawikaan 24:16 (ASND)
May bagyo sa lugar nina Yvette. Napakalakas ng hangin at walang tigil ang ulan. Mula sa kanilang kubo, tanaw niya ang matatayog na puno ng kawayan na yumuyuko tuwing hinahagupit ng hangin. Pero napansin niyang kahit na ilang beses mapayuko ang mga kawayan, paulit-ulit naman itong tumitindig.
Naalala tuloy ni Yvette ang isang verse sa Bible: “Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa” (Mga Kawikaan 24:16, ASND).
Totoo nga naman ito. Ilang ulit nang dumaan sa bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, at iba pang sakuna ang ating mga kababayan, pero pagkaraan noon, dahil sa tulong ng Diyos na pinadadaan Niya sa iba, nakakabangon din ulit tayo. Hindi lang literal na mga kalamidad ang nararanasan natin sa buhay. Marami tayong experiences na ikinabagsak natin. Natumba tayo nang tinamaan tayo ng financial crisis. Naglupasay tayo nang iwan tayo ng mahal natin sa buhay. Hindi tayo makakilos dahil sa sakit na iniinda. At ilan sa atin na dahil dapang-dapa na, feeling nila hindi na sila makakabangon pa.
Pero ang sabi sa Proverbs 24:16 (NIRV), “Even if godly people fall down seven times, they always get up.” No one is exempt from troubles, but God promises a rebound. If we trust in God, we can expect Him to be with us as we pass through the storm, protect us while we are in the middle of it, and lead us out of it. Mabuwal man tayo nang pitong ulit, pero ititindig at ititindig tayo ng Diyos nang paulit-ulit.
LET’S PRAY
Panginoon, marami pong salamat na kasama namin Kayong dumadaan sa bagyo ng buhay. Nagtitiwala kaming hindi Ninyo kami pababayaan at ililigtas Ninyo kami sa lahat ng sakuna.
APPLICATION
Pray for all government agencies in charge of disaster management and other NGOs who help in times of calamities. If you want to donate to the relief efforts of CBN Asia’s humanitarian arm, click the link to Operation Blessing.
SHARE THIS QUOTE
